Julia Barretto, pumalag kay Matteo Guidicelli nang banggitin nito ang tungkol sa ghosting

Julia Barretto, pumalag kay Matteo Guidicelli nang banggitin nito ang tungkol sa ghosting

- Hindi pinalampas ni Julia Barretto ang hirit ni Matteo Guidicelli nang mag-guest siya sa "Maritest" segment ng "Tropang Lol"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nabanggit kasi nito na kay Gerald Anderson umano nagsimula ang salitang ghosting

- Agad siyang sinagot ni Julia na ang unang beses niya umanong narinig ang salitang iyon ay nang may nagkwento sa kanya tungkol kay Matteo

- Gayunpaman, aniya ay huwag na lang banggitin kung sino ang ghinost ni Matteo dahil ani Julia ay hahaba lang ang usapan

Pinalagan ni Julia Barretto ang hirit ni Matteo kaugnay sa umano'y pinagmulan ng salitang "ghosting." Agad sumagot si Julia na ang unang beses niya umanong narinig ang salitang iyon ay nang may nagkwento sa kanya tungkol kay Matteo.

Julia Barretto, pumalag kay Matteo Guidicelli nang banggitin nito ang tungkol sa ghosting
Julia Barretto, pumalag kay Matteo Guidicelli nang banggitin nito ang tungkol sa ghosting (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Cristy sa mga duda sa sakit ni Kris: "Kita naman po ang pruweba"

Sa kanyang pag-guest sa "Maritest" segment ng "Tropang Lol," hindi nakaligtas si Julia sa mga biro ni Matteo tungkol sa kanyang ex-boyfriend at sa kasalukuyan nitong boyfriend na si Gerald Anderson. Gayunpaman, ani Julia ay hindi na lang niya babanggitin kung sino ang ginawan ni Matteo ng pang go-"ghost" dahil aniya ay hahaba lang ang usapan.

Humingi din si Julia ng dispensa sa mga taong nababanggit nila sa naturang segment gayong wala na umanong kinalaman ang mga ito sa kanila.

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia. Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia. Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Read also

Pauleen Luna, hindi isyu na tawagin siya sa pangalan niya ng mga anak ni Vic Sotto

Aminado si Julia na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Naibahagi niya sa panayam ni Boy Abunda sa kanya na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw niya ay maaring magiging sagabal lang sa kanyang showbiz career kapag makipagrelasyon ang dating nobyo. Gusto umano niyang ma-enjoy ni Joshua ang kanyang umaalagwang showbiz career.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate