Mona ngayong 18 na siya, lakas-loob na nagtanong kung pwede na siyang mag-BF

Mona ngayong 18 na siya, lakas-loob na nagtanong kung pwede na siyang mag-BF

- Nito lamang Agosto, 18 taong gulang na ang bunsong kapatid ni Ivana Alawi na si Mona

- Ibinahagi ng kanyang ate Ivana ang mga kaganapan sa birthday celebration nito na ginanap sa Batangas

- Doon, lakas-loob niyang tinanong sa kanyang ina at mga kapatid kung pwede na siyang magkaroon ng boyfriend

- Ibinalik naman ni Mama Alawi ang tanong sa kanya kung nais na ba niyang magkaroon ng nobyo kahit kakatuntong pa lang niya sa edad na 18

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dahil 18 na siya, lakas-loob na nagtanong si Mona Alawi kina Mama Alawi, Hash, Amira at Ivana kung maari na siyang magkaroon ng boyfriend.

Mona ngayong 18 na siya, lakas-loob na nagtanong kung pwede na siyang mag-BF
Mona ngayong 18 na siya, lakas-loob na nagtanong kung pwede na siyang mag-BF
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga masasayang kulitan ng pamilya Alawi sa pagdiriwang nila ng 18th birthday ni Mona.

"May tanong ako sa ate ko," sabay lapit kay Ivana. "So ibig mong sabihin pwede na akong mag-boyfriend?" ang diretsahang tanong ni Mona kay Ivana na agad namang tinawag ang kanilang Mama Alawi.

Read also

Mona Alawi, tinanggihan ang magarbong debut; "Nanghihinayang lang kasi ako"

"Bakit gusto mo ba?" tanong naman ng kanilang Mama na agad namang makulit na sinagot ni Mona ng oo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang isa sa mga naunang mga vlog ni Ivana ay nagawa nilang magbigay mensahe sa 'future boyfriend' ni Mona.

Kailangan daw kasi nitong unawain ang kalagayan ni Mona dahil na rin sa kanyang karamdaman.

"Kasi kung sasaktan niyo lang siya, yari kayo sa'kin. 'Wag ka nang magpapakita," babala ni Mama Alawi.

Nagbiro pa sila ni Ivana na sasama sa magiging unang date ni Mona upang makilatis ang makaka-date ni Mona kung papasa ba sa kanila.

Samantala, narito ang kabuuan ng video ng simpleng birthday celebration ng 18th birthday ni Mona na mas pinili niya, kaysa ang magarbong party gayung nanghihinayang siya sa pwede nilang magastos.

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Mona ang kanyang 'near-death experience' kung saan matapos na mawalan ng malay, 'pinapanood' na niya umano ang sarili habang pilit siyang ginigising at inaasikaso ng kanyang ina.

Matatandaang minsan nang naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog noong nakaraang taon. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica