RR, naniniwalang 'di totoong hiwalay sina Ion at Vice; "Sobrang ganda ng relationship nila"

RR, naniniwalang 'di totoong hiwalay sina Ion at Vice; "Sobrang ganda ng relationship nila"

- Naniniwala umano si RR Enriquez na walang katotohanang naghiwalay na sina Vice Ganda at Ion Perez

- Agad na pinabulaanan nina Vice At Ion ang napababalitang dumadaan sa pagsubok ang kanilang relasyon

- Nabanggit ni RR na isang common friend umano nila ni Ion ang nakausap niya at sinabi kung gaano kaganda ang realasyon ng dalawa

- Sinabi rin ng kaibigan nilang ito na matino si Ion na hindi umano kayang gumawa ng kalokohan na maaring makasakit kay Vice

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Sawsawera Queen na si RR Enriquez ay hindi umano naniniwalang hiwalay na sina Ion Perez at si Vice Ganda.

RR, naniniwalang 'di totoong hiwalay sina Ion at Vice; "Sobrang ganda ng relationship nila"
Vice Ganda and Ion Perez
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode ng kanyang vlog, naikwento ni RR ang napabalitang dumadaan sa pagsubok ang relasyon nina Vice at Ion.

Napapabalitang panay na umano ang pagpunta ni Vice sa mga comedy bar at ito umano ay hudyat na malungkot ang komedyante at TV host. At ang kalungkutan umano nito ay may kaugnayan sa pinagdaraanan nila ni Ion.

Read also

RR, sa acne post ni Heaven Peralejo; "Siguro napaka-insensitive niya to post that"

"Itong chismis na ito ay nanggaling kay 'Nay Cristy. So hindi po sa'kin galing. Sasawsawan lang po natin," paglilinaw ni RR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit din ni RR ang umano'y pagsagot nina Vice at Ion sa naturang isyu at agad na pinabulaanan ang mga ito.

"I want to believe na hindi sila hiwalay ni Ion. Kasi I have a friend who's close to Ion. Chismis ito pero magandang chismis. Hindi ko papangalanan. Grabe raw sobrang in love daw talaga si Ion kay Vice Ganda. And si Ion, sobrang tino daw talaga," paliwanag ni RR.

"'Yung friend ko tinanong siya [Ion}, 'bakit ayaw mong mambabae? HIndi naman malalaman ni Vice Ganda. Ta's sagot daw ni Ion, lalake itong frieng ni Ion. Hindi daw niya kayanga gawin kay Vice Ganda 'yun kasi nga sobrang bait daw ni Vice Ganda. Parang hindi raw niya kayang gumawa ng mga milagro para raw masaktan si Vice Ganda," dagdag pa ni RR.

Read also

Ogie D, sinabing sina Heaven Peralejo at Jameson Blake na; "Ayon sa aking reliable source"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kamakailan, nabansagan siya bilang 'Sawsawera Queen' dahil sa nadadalas nitong pagbibigay komento sa iba't ibang isyu lalo na sa showbiz. At dahil marami rin ang natuwa sa kanyang pagiging 'sawsawera', naging aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel kung saan mas malaya siyang nabibigyang komento ang mga latest intriga sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel