Ogie D, sinabing sina Heaven Peralejo at Jameson Blake na; "Ayon sa aking reliable source"

Ogie D, sinabing sina Heaven Peralejo at Jameson Blake na; "Ayon sa aking reliable source"

- Nabanggit ni Ogie Diaz na si Jameson Blake ang bago umanong jowa ni Heaven Peralejo

- Ayon umano sa kanyang reliable source, may relasyon na ang dalawa sa kabila ng katahimikan sa magkabilang panig

- Matatandaang minsan nang kumasa sa 'jowa challenge' ang dalawa sa vlog ni Heaven sa kanyang YouTube channel

- Gayunpaman, nais mismo itong kumpirmahin ni Ogie sa dati niyang alagang si Heaven at wala naman silang nakikitang masama sakaling totoo ngang may relasyon na ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa 'Ogie Diaz Showbiz Update channel' ay ang tungkol sa umano'y namumuong pag-ibig kina Heaven Peralejo at Jameson Blake.

Ogie D, sinabing sina Heaven Peralejo at Jameson Blake na; "Ayon sa aking reliable source"
Heaven Peralejo at Jameson Blake (Screengrab from Heaven Peralejo Youtube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nabalitaan umano ito ni Ogie Diaz na nais naman niyang kumpirmahin mismo sa dati niyang alaga na si Heaven.

Read also

RR, sa acne post ni Heaven Peralejo; "Siguro napaka-insensitive niya to post that"

"Nabalitaan ko, ayon sa aking very reliable source, ang jowa raw ngayon ni Heaven Peralejo ay si... si Jameson Blake!," ani Ogie D na sinundan naman niya ng tanong kay Heaven na "totoo ba 'yan anak?"

Matatandaan kamakailan na kumasa ang dalawa sa 'jowa challenge' sa YouTube channel ni Heaven. Mapapansin umano ang sweetness ng dalawa gayung wala pang kumpirmasyon sa totoong estado ng kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa vlog ni Heaven mismo, parang meron silang date for a day. May pa-holding holding hands pa. Baka nga sila. Kung pareho naman silang single 'di ba?"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Talagang pinakaabangan ang mga videos ng Ogie Diaz Showbiz Update kung saan kasama rin ni Ogie D sina Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh kung saan napag-uusapan nila ang maiinit na Showbiz balita.

Read also

RR, naniniwalang 'di totoong hiwalay sina Ion at Vice; "Sobrang ganda ng relationship nila"

Samantala sa kanya namang 'Ogie Diaz inspires channel', mapapanood ang mga interview niya sa mga kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan nga, nakapanayam niya ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa misis nitong patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman.

Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din kasi ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer at dumagsa rin ang tulong sa pamilyang ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel