Anak ni Ethel Booba, todo-iyak nang ihatid ang ama sa airport

Anak ni Ethel Booba, todo-iyak nang ihatid ang ama sa airport

- Binahagi ni Ethel Booba ang video kung saan hinatid nila ng kanyang anak na si Michaela ang asawa niyang si Chef Jessie sa airport

- Ani Ethel matagal na mawawalay sa kanila si Chef dahil magtatrabaho ito bilang chef sa malayo

- Marami naman ang naantig sa pag-iyak ng anak nilang si Michaela nang makita niya ang ama habang papasok na sa loob ng airport

- Kahit hanggang sa pag-alis ng kanilang sasakyan ay iyak pa rin ito nang iyak nang mapagtantong mawawalay siya sa ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa binahaging video ni Ethel Booba, marami ang naantig sa pag-iyak ng anak niyang si Michaela habang nagpapaalam sa kanyang ama na si Chef Jessie. Ayon kay Ethel matatagalan si Chef na malayo sa kanila dahil babalik ito sa pagtatrabaho.

Anak ni Ethel Booba, todo-iyak nang ihatid ang ama sa airport .
Anak ni Ethel Booba, todo-iyak nang ihatid ang ama sa airport (@ethelbooba)
Source: Instagram

Aniya, matagal ding hindi nakabalik sa trabaho si Chef Jessie na palaging kasa-kasama ng kanyang mag-ina sa mga vlogs nila. Hindi maipagkakaila ang pagiging malapit ni Michaela sa ama kaya ganun na lang ang pag-iyak nito kahit nang makaalis na ang kanilang sasakyan sa airport.

Read also

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

Marami naman sa mga OFW ang naka-relate sa ganoong eksena tuwing aalis sila para mangibang bansa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

OFW feels. Relate much po Ma'am Ethel.
Kilos ng isang OFW pag umaalis. Di nagpa2halatang na iiyak sa loob2. Parang sinasakal sa pagpigil ng iyak. Stay strong, Ms. Ethel.
Haay life talaga...kaya ako pag balik ko sa Qatar galing bakasyon hindi ako nag paalam sa mga anak ko dahil ito ay subrang sakit na hindi mo maintindihan, kaya halos mga OFW nag karoon ng homesick. Gogogo parin kayo sa pag vlog mga idol..Si baby cute parin kahit umiyak nakaka touch.

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Read also

Ogie Diaz, sinabing patuloy na lumalaban si Kris Aquino para sa mga anak

Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel