Ogie Diaz, sinabing patuloy na lumalaban si Kris Aquino para sa mga anak

Ogie Diaz, sinabing patuloy na lumalaban si Kris Aquino para sa mga anak

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y kalagayan ni Kris Aquino sa pagpapagamot nito sa Amerika

- Isa umanong common friend nila ang nagsabing patuloy na lumalaban si Kris lalo na tuwing makikita nito ang kanyang mga anak

- Nakakasagot na rin daw ito sa mga mensahe at hindi pa rin nawawala ang humor nito

- Sinabing nagpapahinga na rin daw ito sa social media upang maka-focus daw ito sa kanyang gamutan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang nabalitaan niya sa common friend nila ni Kris Aquino.

Ogie Diaz, sinabing patuloy na lumalaban si Kris Aquino para sa mga anak
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na patuloy na lumalaban umano si Kris na kasalukuyan pa rin na nasa Amerika para sa kanyang gamutan.

"Isa sa mga pinaghuhugutan talaga ni Kris para lumaban pa ay 'yung katotohanang nandiyan 'yung kanyang mga anak. Makita lang daw ni Kris 'yung kanyang mga anak habang siya ay ginagamot, at 'yun din ang sinabi ng aking friend na friend din ni Kris na talaga namang nakikita lang ni Kris ang kanyang mga anak ay lumalakas na si Kris, lalo siyang lumalaban," pahayag ni Ogie D.

Read also

Pulis na professor ni Jovelyn Galleno, tumangging makausap ng RTIA

Inalala rin ni Ogie ang minsang nasabi ni Kris tungkol sa kahilingan niyang umabot sa ika-18 kaarawan ni Bimby.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sabi nga ni Kris noon e sana manlang mag-18 si Bimby 'di ba? Kung siya man ay hindi na makakalaban pa," aniya.

Gayunpaman, sinabi rin umano ng kanilang common friend na nakasasagot na sa mga mensahe si Kris at hindi pa rin nawawala ang humor nito. Subalit talagang nagpahinga raw ito sa social media upang maka-focus na lamang sa kanyang pagpapagamot at pagpapagaling.

Talagang pinakaabangan ang mga videos ng Ogie Diaz Showbiz Update kung saan kasama rin ni Ogie D sina Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh kung saan napag-uusapan nila ang maiinit na Showbiz balita.

Samantala sa kanya namang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang mga interview niya sa mga kilalang personalidad sa bansa. Kamakailan nga, nakapanayam niya ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol lalo sa misis nitong may karamdaman. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Read also

Doc Willie Ong, ilang taon nang 'full charity' ang serbisyo sa kanyang mga pasyente

Nakapanayam din ni Ogie Diaz ang pinakabagong Darna na si Jane De Leon. Doon, matapang na inamin ni Jane ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya lalo na ang mga sakripisyo nilang mag-ina sa pag-abot ng pangarap ni Jane na makapasok sa Showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel