Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng pakikipagkamay ni Macky Mathay kay Cesar Montano

Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng pakikipagkamay ni Macky Mathay kay Cesar Montano

- Binahagi din ni Sunshine Cruz ang ilang pang karagdang pictures na kuha sa 18th birthday ng anak niyang si Sam Cruz

- Kabilang sa mga ito ay ang picture kung saan makikitang nakikipagkamay si Cesar Montano sa kasalukuyang partner ni Sunshine na si Macky Mathay

- Bukod pa dito ay makikita din silang magkakasama sa ilan pang mga pictures kung saan maging ang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga ay kasama din

- Marami ang natuwa na makitang maayos na ang kanilang pamilya sa kabila ng mga hindi magandang nangyari noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Sunshine Cruz ang picture na kuha ng Nice Print Photograhy sa pagdiriwang nila ng ika-18 na kaarawan ng anak niyang si Sam Cruz. Kabilang sa nakaantig sa mga netizens ay ang picture kung saan magkadaupang-palad sina Cesar Montano at si Macky Mathay.

Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng pakikipagkamay ni Macky Mathay kay Cesar Montan
Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng pakikipagkamay ni Macky Mathay kay Cesar Montano (photo by Nice Print Photoraphy)
Source: Instagram

Makikita din sa naturang picture si Sunshine Cruz. Sa iba pang pictures ay makikitang kasama ni Cesar ang kasalukuyan nitong partner na si Kath Angeles.

Marami ang natuwa na makitang maayos na ang kanilang pamilya sa kabila ng mga hindi magandang nangyari noon.

Wow! Nothing is impossible! In Gods perfect time everything is possible

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sarap sa pakiramdam NG ganyan @sunshinecruz718. Happy birthday Sam
Nakakaiyak naman to

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niyang si Cesar Montano. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nagpost si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel