Teresa Loyzaga, masaya para sa pamilya ni Sunshine Cruz

Teresa Loyzaga, masaya para sa pamilya ni Sunshine Cruz

- Ayon kay Teresa Loyzaga, masaya siya para kay Sunshine Cruz at para sa mga anak nito

- Kaugnay ito sa muling pagkakabuo ng kanilang pamilya nang magdiwang ng ika-18 na kaarawan si Sam Cruz

- Kabilang si Cesar Montano sa mga dumalo sa pagdiriwang at ito ang unang pagkakataon na namataan si Cesar kasama ang mag-iina mula nang maghiwalay sila ni Sunshine

- Nagkaroon din ng anak sina Cesar at Teresa at ito ay ang aktor na si Diego Loyzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Teresa Loyzaga sa mga naghayag ng kanilang kasiyahan para sa muling pagkakabuo ng pamilya nina Sunshine Cruz at dati nitong asawang si Cesar Montano sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sam Cruz kamakailan. Aniya proud siya at masaya para kay Sunshine.

Teresa Loyzaga, masaya para sa pamilya ni Sunshine Cruz
Teresa Loyzaga, masaya para sa pamilya ni Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Kilalang malapit ang mga anak nila na mga anak din ni Cesar. Si Diego Loyzaga ay malapit sa kanyang mga kapatid sa ama na anak nito kay Sunshine. Sa katunayan ay halos hindi ito nawawala tuwing may mga okasyon ang kanyang mga half sisters.

Read also

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

Ani Teresa, proud siya kay Sunshine at masaya siya para sa kanilang mag-iina.

No words can explain.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nothing is impossible.
Prayers are heard so never cease!
Happiest Birthday indeed @samcruzm!
Happiness to all and more Blessings to come! @sunshinecruz718
Im so proud of you!

Matatandaang nakasama nila nitong Father's Day celebration si Cesar kung saan sinabi ng aktor na masayang masaya siyang makasamang lahat ng kanyang mga anak.

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Read also

Sunshine Cruz, binahagi ang picture ng pakikipagkamay ni Macky Mathay kay Cesar Montano

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niyang si Cesar Montano. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nagpost si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel