Macky Mathay, nagbahagi ng message para kay Sam Cruz: "I am always here"

Macky Mathay, nagbahagi ng message para kay Sam Cruz: "I am always here"

- Isang madamdaming mensahe ang binahagi ni Macky Mathay para sa anak ni Sunshine Cruz na si Sam Cruz

- Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang ika-18 na kaarawan kung saan nakadalo din ang dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano

- Aniya, tinuturing niyang parang sarili niyang anak si Sam at sinabi niya rin na lagi lang siyang naroroon para sa kanya

- Sumagot naman si Sam sa mensaheng ito ni Macky at naghayag ng kanyang pagmamahal para sa kanyang Tito Macky

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Macky Mathay sa dumalo sa pagdiriwang sa ika-18 na kaarawan ni Sam Cruz. Sa isang Instagram post ay binahagi niya ang kanyang nakakaantig na mensahe.

Macky Mathay, nagbahagi ng message para kay Sam Cruz: "I am always here"
Macky Mathay, nagbahagi ng message para kay Sam Cruz: "I am always here" (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Aniya, tinuturing niyang parang sarili niyang anak si Sam at mahal niya umano ito. Lagi lang daw siyang naroroon para sa dalaga. Sumagot naman si Sam sa mensaheng ito ni Macky at naghayag ng kanyang pagmamahal para sa kanyang Tito Macky.

Read also

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

Happy 18th birthday Sammy! You know that I love you already as if you were my own daughter! Wishing you all the best in life, may God grant you all the desires of your heart. Know that I am always here. I love you!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niyang si Cesar Montano. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nagpost si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel