John Arcilla, ayaw na daw sana muna gumanap bilang kontrabida

John Arcilla, ayaw na daw sana muna gumanap bilang kontrabida

- Kung si John Arcilla ang masusunod, ayaw niya daw muna sana na gumawa ng kontrabida roles

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi niyang napapayag na lang din siya dahil pinakiusapan daw talaga siya

- Pinayagan naman umano siya maging 'playful' sa nakatakdang role niya bilang kontrabida sa isang project na hindi na niya pinangalanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang si John ang isa sa pinakamatagal na kontrabida ng FPJ's Ang Probinsiyano

Sa panayam ni Ogie Diaz kay John Arcilla, sinabi ng award-winning actor na ayaw niya daw muna sana na gumawa ng kontrabida roles kung siya ang masusunod. Gayunpaman, napapayag siya matapos siyang pakiusapan kaugnay sa isang project na umano ay nakaplano na para sa kanyang pagganap bilang kontrabida.

John Arcilla, ayaw na daw sana muna gumanap bilang kontrabida
John Arcilla, ayaw na daw sana muna gumanap bilang kontrabida (@johnarcilla)
Source: Instagram

Pinayagan naman umano siyang maging playful sa kanyang karakter. Mas kakaiba umano ang kanyang gagawin kesa kay Hipolito. Aniya ang kwentong gagawin niya nagustuhan niya dahil kaya umano nanakit ng tao ay dahil sa kanyang hindi magandang karanasan sa buhay.

Read also

John Arcilla, aminadong nate-tense sa mga pagbabanta sa kanya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si John Arcilla o Romeo Gonzales Arcilla sa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1966 kina Dominador Gil Alemania Arcilla at Eustacia Gonzales sa Quezon City. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Matatandaang umani kaagad ng mahigit isang milyon na views ang TikTok video ni John matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi niya ito. Ginaya niya ang viral na video ni Joshua Garcia sa TikTok na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit isang daang milyon na views na. Pabiro din niyang sinabi na "tatay naman ni Joshua" ang patikimin ng 100 milyon na views. Matatandaang nitong Diyembre lamang ng nakaraang taon nag-umpisang mag-TikTok si Joshua ngunit halos 5 milyon na ang followers nito sa TikTok.

Matatandaang naibahagi ni John ang ilang mensaheng kanyang natanggap kaugnay sa kanyang ginagampanang karakter sa "FPJ's Ang Probinsiyano." Marami sa mga natanggap niyang mensahe ay galit at asar sa kanyang karakter sa naturang serye. Gayunpaman, mayroon ding iba na tila dalang-dala ng kanilang emosyon at nagbanta pa sa award-winning actor. Nilinaw niyang serye lang iyon at walang personalan kaya sana ay maintindihan ng mga manonood na hindi sila dapat magalit sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate