John Arcilla, kinaaliwan sa paggaya sa viral TikTok video ni Joshua Garcia
- Umani kaagad ng mahigit isang milyon na views ang TikTok video ni John Arcilla matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi niya ito
- Ginaya niya ang viral na video ni Joshua Garcia sa TikTok na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit isang daang milyon na views na
- Pabiro din niyang sinabi na "tatay naman ni Joshua" ang patikimin ng 100 milyon na views
- Matatandaang nitong Diyembre lamang ng nakaraang taon nag-umpisang mag-TikTok si Joshua ngunit halos 5 milyon na ang followers nito sa TikTok
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang naaliw sa TikTok video ng award winning actor na si John Arcilla. Ito ay matapos niyang gayahin ang viral na video ni Joshua Garcia sa TikTok na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit isang daang milyon na views na.
Pabiro din niyang sinabi na "tatay naman ni Joshua" ang patikimin ng 100 milyon na views.
Tatay naman ni Joshua ang Pahandred Milyunin nyo ah
Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga followers dahil nasa 2.3 million na ang mga ito. Umani kaagad ng mahigit isang milyon na views ang TikTok video niyang ito matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi niya ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
John Arcilla o Romeo Gonzales Arcillasa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Ipinanganak siya noong Hunyo 24, 1966 kina Dominador Gil Alemania Arcilla at Eustacia Gonzales sa Quezon City. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon. Bagama't lumabas na siya sa napakaraming pelikula, teleserye, at mga dula sa Teatro, tumatak ang kanyang pagganap sa papel ni Antonio Luna sa historical drama film na Heneral Luna. Kilala rin siya sa pagganap bilang si Hagorn sa fantaseryeng Encantadia. Ginampanan din ni John ang karakter ni Renato Hipolito sa action-drama series ang Ang Probinsyano.
Noong nakaraang taon, nanalo si John ng Volpi Cup para sa Best Actor award niya sa 78th Venice Film Festival. Nakuha ng aktor ang award para sa kanyang lead role sa political-thriller na pelikulang “On the Job: The Missing 8.” Siya ang hinirang na Best actor at tinalo niya ang mga Hollywood stars na sina Oscar Isaac at Benedict Cumberbatch. Ipinahayag ni John ang kanyang panghihinayang sa kanyang virtual acceptance speech sa hindi niya pisikal na pagdalo sa seremonya sa Italya.
Matapos ang ilang linggong paghihintay, pisikal na natanggap ni John ang sikat na Volpi Cup na dapat niyang matanggap nang manalo siya bilang Best Actor sa 78th Venice International Film Festival. Kahit bakunado siya at pinayagan ng production team ng “Ang Probinsyano,” hindi pumunta si John sa international event dahil ipinapayo daw ito ng kanyang doktor. Dahil dito, kailangan niyang maghintay ng ilang linggo upang matanggap ang sikat na Volpi Cup. Nagulat din ang aktor nang makitang may kasama itong mamahaling relo ng Cartier na panlalaki.
Source: KAMI.com.gh