Dating aktor na si Romano Vasquez, pumanaw na sa edad na 51

Dating aktor na si Romano Vasquez, pumanaw na sa edad na 51

- Namayapa na ang dating aktor na si Romano Vasquez sa edad na 51

- Kinumpirma ito ng misis ng aktor na humihingi ng panalangin para sa mister

- Sa mismong bahay nila umano ito binawian ng buhay noong Enero 23 ng gabi

- Si Romano ay dating miyembro ng 'That's Entertainment' variety show na pinagmulan din ng ilang bigatin at kilalang artista hanggang ngayon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pumanaw na ang dating aktor at singer na si Romano Vasquez sa edad na 51.

Nalaman ng KAMI na ang dating That's Entertainment member na may tunay na pangalang Romanito Romano Anacan Dila ay binawian ng buhay noong Enero 23 sa kanila mismong tahanan sa Cavite City.

Ayon sa Inquirer, mismong ang misis ni Romano na si Alma Panuelo Dila ang nagkumpirma ng nakalulungkot na balita.

Read also

Bongbong Marcos, 'di nagpaunlak sa 'presidential interviews' ni Jessica Soho

Dating aktor na si Romano Vasquez, pumanaw na sa edad na 51
Photo: Romano Vasquez
Source: Facebook

Base sa ulat ng Balita.net, bandang alas sais ng gabi namayapa ang dating aktor na ngayon ay isang matagumpay na negosyante na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naulila niya ang kanyang mag-iinang sina Angelie Kate, Albert, Sky, at Raven na 8 years old pa lamang.

Sa ulat ng GMA, nasabing hiling ng pamilya nito ang dasal at panalangin sa pamamayapa ng dating aktor.

Si Romano ay miyembro ng 'That's Entertainment' na pinamumunuan ng namayapa na ring si 'Master Showman' German Moreno.

Isa itong variety show na pinagmulan ng maraming mga kilalang artista at personalidad hanggang ngayon.

Ilan sa kanila ay sina Ruffa Gutierrez, Manila Mayor Isko Moreno, Lea Salonga, Gladys Reyes, Judy Ann Santos, Ian Veneracion at maging si Billy Crawford.

Samantala, marami sa mga kaibigan ni Romano ang nabigla sa kanyang biglaang pagpanaw. Ilan sa kanila'y nagbahagi pa ng kanilang mensahe ng pamamaalam sa dating aktor.

Read also

Bianca Manalo, hiyang-hiya nang mag-videobomb sa senatorial forum ng BF na si Win Gatchalian

Samantala, kamakailan ay sumakabilang buhay na rin ang dating komedyanteng si Don Pepot sa edad na 88. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Michelle at sinabing pneumonia at komplikasyon sa COVID-19 ang ikinamatay ng kanyang ama.

Noong nakaraang taon naman ay gumulantang din sa publiko ang pagkamatay ng komedyante ring si Mahal.

Matatandaang ilang linggo bago siya pumanaw ay nakabisita pa ito sa kaibigan at ka-tandem na si Mura para personal itong maabutan ng tulong. Iyon na pala ang huli nilang pagkikita.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel