Michelle Madrigal, healing at happy raw matapos kumpirmahing single na siya

Michelle Madrigal, healing at happy raw matapos kumpirmahing single na siya

- Kinumpirma ni Michelle Madrigal na single siya ngunit healing daw at happy sa kanyang buhay

- Sa isang post ay diretsahang inihayag ni Michelle ang pagiging single

- Matatandaang matapos mapansin ng netizens na hindi na niya naibabahagi ang pictures nila ng karelasyon na huling naipakilala sa publiko, lumabas ang usap-usapang hiwalay na sila

- Gayunpaman, walang naging diretsahang pahayag si Michelle tungkol dito lalo na noong lumabas ang bali-balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Michelle Madrigal na siya ay single. Sa isang Instagram post ay sinabi niyang healing siya at masaya sa buhay.

Michelle Madrigal, healing at happy raw matapos kumpirmahing single na siya
Michelle Madrigal, healing at happy raw matapos kumpirmahing single na siya (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

Makikita sa kanyang Instagram post ang video niya na naglalakad. Nakalagay sa video ang kanyang pagsasalarawan sa sarili.

Nakalagay na 34 siya, divorced, single, mom of 1, healing at happy.

Matatandaang matapos mapansin ng netizens na hindi na niya naibabahagi ang pictures nila ng karelasyon na huling naipakilala sa publiko, lumabas ang usap-usapang hiwalay na sila.

Read also

Andrea Brillantes, happy ngayon: 'Wag kayong mag-alala, naka-move on na ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, proud siya sa sarili niya dahil siya ay matapang, wiser at full of wisdom.

I’m proud of her. She’s courageous, wiser & full of wisdom. Don’t underestimate what GOD can do to heal you. You just have to ask and surrender.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Read also

Andrea Brillantes tungkol sa 'betrayal': "Hindi totoo 'yang second chances na 'yan"

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate