Joshua Garcia, inaming ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Bella Poarch

Joshua Garcia, inaming ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Bella Poarch

- Naikwento ni Joshua Garcia na makailang beses na nilang sinubukan ni Bella Poarch na magkita

- Isa na rito ay noong Hunyo kung saan hindi naman natuloy ang Star Magic tour gayung hindi siya nakasama

- Inamin din niyang madalas na silang magka-DM ay masasabing 'good friends' sila ngayon

- Matatandaang kamakailan ay inamin ni Bella na crush niya ang aktor sa interview sa kanya ni MJ Felipe ng TV Patrol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinumpirma ni Joshua Garcia na nagkakausap na nga sila ng Fil-Am TikTok Superstar na si Bella Poarch.

Joshua Garcia, inaming ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Bella Poarch
Bella Poarch (@bellapoarch)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi lang pala sila "hi", "hello" lang sa kanilang palitan ng direct message kundi matagal na silang nakakapagkwentuhan.

Katunayan, makailang beses na rin nilang sinubukang magkita ngunit hindi nga lang sila natutuloy.

"Nagkakausap kami. Parang June ata dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy 'yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. So parang July 2 ata pupunta siya pero hindi rin naman so, hindi natin alam," kwento ng aktor.

Read also

Karen Davila, napa-Oh my gosh! sa pagbubuhat ni Jane De Leon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilarawan pa ng aktor na good friends sila ni Bella. Pagbibiro pa nito, hinanap pa niya ang kanyang 'English' sa pakikipag-usap kay Bella.

"May mga konting katanungan, hinanap ko pa 'yung English, pero nagta-Tagalog naman siya," dagdag pa ni Joshua.

At dahil nabanggit ni Bella binabalak nitong umuwi sa Pinas sa darating na Kapaskuhan, hiling ni Joshua na magkita na sila at matupad din ang pangarap ni Bella na makapag-perform sa ASAP.

"Thank you and sana makita kita. Magpakita ka sa'kin. 'Di ba? Exciting!," pagtatapos ni Joshua.

Narito ang kabuuan ng panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol, ABS-CBN News kay Joshua Garcia:

Si Bella Poarch ay ang Fil-Am TikTok Superstar na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pinoy. Aliw na aliw ang mga Pilipino tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post kung saan naisama pa niya si Joshua Garcia.

Read also

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

Samantala, nito lamang Enero nang pasukin ng Kapamilya actor ang mundo ng TikTok.

Halos hindi makapaniwala si Joshua nang pumalo agad-agad sa 100 million ang views ng kauna-unahan niyang TikTok video na marami na rin naman ang nakagawa.

Dahil dito, labis-labis ang kanyang pasasalamat lalo na at padami na rin ng padami ang mga TikTok followers niya.

Mula noon ay pumapalo na talaga ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos na siyang nakapukaw ng atensyon maging ni Bella Poarch.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel