Bella Poarch, kinikilig na inaming crush niya si Joshua Garcia; "we message a lot"

Bella Poarch, kinikilig na inaming crush niya si Joshua Garcia; "we message a lot"

- Inamin ng Fil-Am TikTok Superstar na si Bella Poarch na crush niya si Joshua Garcia

- Alam din naman daw ito ni Joshua at madalas na rin niya itong nakaka-chat

- Matatandaang minsan na silang nagkapalitan ng 'emoji' comments sa isang post ni Joshua

- Minsan na ring nag-viral ang TikTok video ni Bella kung saan naisama niya ang video ni Joshua na kumakanta at naggigitara

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinikilig na inamin ng Fil-Am TikTok Superstar na si Bella Poarch na crush niya ang aktor na si Joshua Garcia.

Bella Poarch, kinikilig na inaming crush niya si Joshua Garcia; "we message a lot"
Bella Poarch (@bellapoarch)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natanong si Bella kung sino ang favorite Filipino actor nito.

"My favorite Filipino actor right now is Joshua... You know who?" ang sagot niya kay MJ Felipe na sinabi ang buong pangalan ng aktor.

"Crush ko 'yun e, si Joshua," tahasang pag-amin ni Bella na kitang-kita ang pagkakilig.

Read also

Albie Casiño nang magkita sila ni Jake Ejercito: "Ako ang lumapit sa kanya"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, madalas niyang nakaka-chat ang aktor at alam na raw nito ang mga posibleng masabi niya sa interview.

"I mean we message a lot, he already knows what I'm gonna say"

Matatandaang minsan na ring nag-viral ang TikTok video ni Bella kung saan naisama niya ang video ni Joshua na kumakanta at naggigitara.

Minsan na rin silang nagkapalitan ng emoji comments sa isang post ni Joshua.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa TV Patrol:

Si Bella Poarch ay isang TikTok star na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pilipino. Aliw na aliw ang mga Pinoy tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post na naisama si Joshua Garcia.

Samantala, nito lamang Enero nang pasukin ng Kapamilya actor ang mundo ng TikTok.

Read also

Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP

Halos hindi makapaniwala si Joshua nang pumalo agad-agad sa 100 million ang views ng kauna-unahan niyang TikTok video na marami na rin naman ang nakagawa.

Dahil dito, labis-labis ang kanyang pasasalamat lalo na at padami na rin ng padami ang mga TikTok followers niya.

Mula noon ay pumapalo na talaga ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos na siyang nakapukaw ng atensyon maging ni Bella Poarch.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel