Karen Davila, napa-Oh my gosh! sa pagbubuhat ni Jane De Leon

Karen Davila, napa-Oh my gosh! sa pagbubuhat ni Jane De Leon

- Namangha si Karen Davila nang makita ang mga workout equipment ni Jane De Leon sa kanilang tahanan

- Nagulat ito nang makitang kayang-kaya ni Jane ang barbell sa pag-weightlift na bahagi ng kanyang workout routine

- Sinubukan din ni Karen ang binuhat ni Jane na bagama't kinaya niya, iba pa rin umano ang level ng pinakabagong Darna

- Ipinakita rin ni Jane ang ilang bahagi ng kanyang ngpakagandang tahanan na siya mismio ang nakaisip ng disenyo sa loob nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napa-Oh my gosh! si Karen Davila nang makita ang workout equipment ni Jane De Leon sa kanila mismong tahanan.

Karen Davila, napa-Oh my gosh! sa pagbubuhat ni Jane De Leon
Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa napansin ni Karen nang mabisita niya ang bagong 'Darna' sa napakagandang bahay nito.

"Nagwo-workout po talaga ako dito," ani Jane na agad na natanong ni Karen kung nakakaya nito ang weightlifting barbell na naroon.

Read also

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

"Magaan pa po ito," ang nabanggit ni Jane bago niya ipakita na kaya nga niya itong buhatin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos si Jane, pinasubok niya rin itong ipabuhat kay Karen na aminadong hindi kaya ang level ng workout ni Jane.

"Nagwi-weights ako pero hindi ko kaya ito" ani Karen na nabalitaang hardcore talaga ang workout na ginawa ni Jane para sa role lalo na ay madadalas din ang action scene sa naturang serye.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Karen kay Jane mula sa kanyang YouTube channel na Karen Davila:

Samantala, si Jane de Leon ay isa sa mga kilalang bagong aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group na GirlTrends, na mapapanood noon sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN tulad ng "Halik," "La Luna Sangre," at maging ang katatapos lamang na "FPJ's Ang Probinsyano."

Read also

Bella Poarch, kinikilig na inaming crush niya si Joshua Garcia: "we message a lot"

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Pumalo sa nasa 300,000 ang live viewers ng Pilot episode ng Darna noong Augut 15. Nakatanggap naman ito ng positibong komento mula sa mga nakapanood na inaabangan din ang paglabas ni Jane na suot na ang kanyang 'Darna' outfit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel