Ryza Cenon, binahagi ang reaksiyon ng anak niya sa binili niyang costume

Ryza Cenon, binahagi ang reaksiyon ng anak niya sa binili niyang costume

- Binahagi ni Ryza Cenon ang naging reaksiyon ng anak niya sa binili niyang inflatable costume

- Makikita sa kanyang post na tila natatakot ito at naiyak sa kanyang suot kung saan mukha siyang nakasakay sa isang dinosaur

- Ayon naman kay Ryza, inakala niya umanong magugustuhan ng anak ang kanyang biniling costume

- Bibili na lang din daw siya ng costume na para sa kanya para makita ng anak na costume lang iyon at hindi na ito matakot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ryza Cenon, akala niya ay magugustuhan ng anak niyang si Night ang binili niyang inflatable costume. Makikita sa kanyang post na tila natatakot ito at naiyak sa kanyang suot kung saan mukha siyang nakasakay sa isang dinosaur.

Ryza Cenon, binahagi ang reaksiyon ng anak niya sa binili niyang costume
Ryza Cenon, binahagi ang reaksiyon ng anak niya sa binili niyang costume (@iamryzacenon)
Source: Instagram

Ani Ryza, bibili na lang din siya ng isa pang costume na para naman sa kanya para makita ng kanyang anak na costume lamang iyon.

Akala ko gusto mo… sorry my bad anak. Wag kang mag- alala bibili din si Mommy para pareho tayo. Para makita mo na costume lang yan ok? Di yan totoo. Tapos habulin mo ko ha?

Samantala, marami naman ang naaliw sa anak ni Ryza sa post niyang ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Yung tipong galit n galit sa sila tapos ikaw tatawa ka nalng sa pagiging inosenti nila.
halaaa ang cute pa rin kahit naiyak naaaa
Ang cute nmn ni baby

Si Ryza Cenon ay nakilala nang siya ay tanghaling Ultimate Female Survivor ng "StarStruck" Season 2, ang reality talent search ng GMA-7. Gayunpaman, naging usap-usapan ang paglipat ng aktres sa Kapamilya station noong April 12, 2018 at maging bahagi ng ilang teleserye sa ABS-CBN kagaya ng FPJ's Ang Probinsyano at The General's Daughter.

Kamakailan ay naibahagi ni Ryza ang picture ng anak na nagkaroon ng ubo at sipon. Inihayag niya ang kanyang kahilingan na sana ay gumaling na ang kanyang anak. Umani ng mga komento ang kanyang post. Marami sa mga kagaya niyang ina ang nagbigay ng payo sa gitna ng pinagdadaanan niya bilang ina.

Samantala, naibahagi niya rin ang pagpasok ng anak niyang si Night sa paaralan. Nakwento niyang umiyak ang kanyang anak sa unang araw nito sa pagpasok. Gayunpaman, nalampasan ito ng anak at naging maayos naman. Nabanggit niya rin ang kanyang naramdaman sa unang araw ng anak niya sa school at marami ang naka-relate sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel