Herlene Budol, aminadong hindi agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas

Herlene Budol, aminadong hindi agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas

- Inamin ni Herlene Nicole Budol na hindi niya agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas pageant

- Aniya ang salitang 'transpormasyon' ay inakala niyang 'transportasyon'

- Mabuti na lamang at napagbigyan siyang ulitin ang katanungan kaya naman nakuha na niya ang tamang salita na ginamit niya bilang 'keyword'

- Si Herlene ay hinirang bilang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang inamin ni Herlene Nicole 'Hipon Girl' Budol na hindi niya agad nainitindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas.

Herlene Budol, aminadong hindi agad naintindihan ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas
Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na mali pa ang makukuha niyang 'keyword' upang may maisagot sa question and answer portion.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube channel nito, doon inilahad ni Herlene buong pangyayari sa nasabing bahagi ng pageant.

"Akala ko po talaga transportasyon 'yun... Kukuha ka lang po ng isang key word at yung key word na ‘yun mali pa pala po yung pagkakaintindi ko," ayons sa beauty queen.

Read also

Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung sakaling transportasyon naman talaga ang naitanong sa kanya, handa raw siyang isagot at talakayin ang traffic sa bansa.

Laking pasalamat din umano niya na inulit ng judge na nagtanong sa kanya na si Cecilio Asuncion ang tanong at ito ay sa kahilingan niyang maisalin sa wikang Tagalog.

Matatandaang ang naisagot naman niya sa katanungan tungkol sa kanyang transpormasyon ay siyang pinalakpakan ng marami.

"At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Isa rin sa mga nakamit na tagumpay ni 'Hipon Girl' kamakailan ay nang magtapos na siya sa kolehiyo sa kursong Tourism Management.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel