Ina ni Herlene Budol, aminadong na-disappoint sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022
- Aminado ang ina ni Herlene Nicole Budol na nadismaya siya sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022
- Para umano sa kanya, si Herlene ang nagkamit ng major awards
- Gayunpaman, hanga siya sa naging performance ng anak maging sa question and answer
- Aniya, wala umanong kulang sa nagawa ng anak na ibinigay ang lahat hindi raw nila malaman kung bakit ganoon ang naging resulta
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tahasang nasabi ng ina ni Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol na nadismaya umano sila sa naging resulta ng Binibining Pilipinas 2022.
Nalaman ng KAMI na bagama't nasungkit ni Herlene ang pagiging 1st runner-up, umaasa ang kanilang kampo na makakakuha ito ng major award.
"Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin," bungad ng ina ni Herlene na si Len Timbol sa panayam sa kanya ni Joee Guilas ng The Thrillmaker.
Nilarawan niyang 'super' at magaling ang naging performance ng anak na maging ang question and answer ay perfect para sa kanya at deserve talaga umano nitong manalo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naitanong din ito kung ano ang sa palagay niyang naging pagkukulang ni Herlene.
"Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta. Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan," paliwanag ni Len.
Nasabi rin nito na inaasahan nilang si Herlene ang makakakuha ng best in swimsuit.
"Para sa akin, 'yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, 'yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po 'yung in-announce. Pero it's ok lang po, laban 'yan e"
Narito ang kabuuan ang kanyang pahayag:
Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".
Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.
Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.
Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.
Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.
Isa rin sa mga nakamit na tagumpay ni 'Hipon Girl' kamakailan ay nang magtapos na siya sa kolehiyo sa kursong Tourism Management.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh