KC Montero, nilinaw na binibiro lamang ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga

KC Montero, nilinaw na binibiro lamang ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga

- Ayon kay KC Montero, binibiro lang ni Matteo si Alex Gonzaga sa kontrobersiyal na video clip na usap-usapan ngayon

- Aniya, sa nag-viral na video ay hindi nakasama ang pagbibiro ni Matteo sa kuko ni Alex

- Dahil sa naturang video na trending sa TikTok at iba pang socmed platforms, marami ang nambabatikos kay Alex

- Sa naturang video ay maririnig ang pagsabi ni Matteo kay Alex na tigilan na ang biruan nila kaugnay sa kanilang mga ex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni KC Montero na biniro lamang ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga nang pagsabihan siya nito na tigilan na ang kanilang biro tungkol sa kanilang mga ex. Ayon pa kay KC, putol ang bahagi kung saan nagbiro si Matteo kaya nabatikos si Alex.

KC Montero, nilinaw na binibiro lamang ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga
KC Montero, nilinaw na binibiro lamang ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga (@matteog)
Source: Instagram
So here’s the video in its entirety, clearly it was a joke from the beginning. It was a prank but unfortunately some edited the video. Meanwhile Alex Gonzaga is being bashed this.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Sa naturang video ay tila seryosong pinagsasabihan ni Matteo si Alex tungkol sa pagbibiro nito. Gayunpaman, sa dulo ay may karugtong na ang pag-usapan nalang umano nila ay ang tungkol sa kuko ni Alex.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Matteo ang kanilang outdoor adventure kasama ang misis na si Sarah Geronimo at ang kanilang mga furbabies. Pumunta sila sa Daraitan sa Tanay, Rizal kung saan sumakay sila sa kabayo at namasyal kasama ang kanilang mga alagang aso. Bilang isa sa mga artistang hindi mahilig magbahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay, marami sa mga fans ng mag-asawa ang masaya na makita ang bahagi ng kanilang buhay mag-asawa. Marami sa mga AshMatt fans ang humiling na sana ay mas dalasan ni Matteo na magbahagi ng video nilang mag-asawa.

Read also

Alodia Gosiengfiao sa breakup nila ni Wil Dasovich: "I don’t want drama, to be honest"

Sa isang Instagram post, proud na ibinida ni Matteo ang bagong achievement ng kanyang asawang si Sarah. Isa na umano itong ganap na pastry chef matapos niyang mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School. Ibinida ni Matteo ang pagiging masigasig ng maybahay kaya "limitless" umano ang mga achievements nito. Matatandaang malimit na pinagmamalaki ni Matteo sa Instagram ang mga luto ng kanyang misis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel