Ogie Diaz, inalala ang papuri ni Cherie Gil sa dati niyang alagang si Liza Soberano
- Inalala ni Ogie Diaz ang binitawang salita ng namayapang si Cherie Gil patungkol kay Liza Soberano
- Aniya, iyon daw talaga ang tumatak sa isip niya tungkol kay Cherie Gil
- Matatandaang nakasama ng aktres si Liza sa teleseryeng 'Dolce Amore' noong 2016
- Agosto 5 nang magluksa ang industriya ng showbiz sa pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Ogie Diaz ang naging papuri ng namayapang aktres na si Cherie Gil kay Liza Soberano.
Nalaman ng KAMI na sa tuwing mapag-uusapan umano si Cherie Gil, hindi makakalimutan ni Ogie minsan nilang pagtatagpo sa set ng nasabing serye.
"'Nung namasyal ako sa Coffee Project kung saan nagsu-shoot si Liza ng isang eksena sa Dolce Amore, Si Cherie palabas ako papasok. 'O Mr. Ogie what brings you here?' sabi niya. Sabi ko, hi Ms. Cherie, talent ko po si Liza Soberano. 'Oh! She's a great actress. Sabi niya, 'you have a gold mine in her," ani Ogie sa pagbabalik-tanaw niya ng pagkikita nila noon ni Cherie.
Paglilinaw pa ni Ogie, maaring 'yung ibang tao ay natatarayan umano noon kay Cherie ngunit taliwas ito lalo na kapag wala na sa kanyang mga karakter na ginagampanan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Agosto 5 nang gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktres sa bansa na si Cherie Gil. Kinumpirma ito ng pamangkin niyang si Sid Lucero na isa sa nagbahagi na sumakabilang buhay na ang isa sa mga haligi ng showbiz ng Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag ng pamilya Eigenmann, sinabing 'rare form of endometrial cancer' ang naging karamdaman ng aktres na kanyang pilit na pinaglalabanan noong pa umanong Oktubre ng nakaraang taon.
Ito umano ang dahilan kung bakit nawala na ito sa kanyang serye sa GMA na 'Legal Wives' at lumipad na patungong New York upang mapalapit sa kanyang mga anak at para sumailalim din sa gamutan sa Memorial Sloan-Kettering Cancer Center doon.
Tumatak sa puso ng mga Pilipino ang iconic 'copycat' scene nila ni Sharon Cuneta sa pelikulang 'Bituing Walang Ningning.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh