Ogie Diaz, nito lang umano nalamang may anak pala sina Cherie Gil at Leo Martinez

Ogie Diaz, nito lang umano nalamang may anak pala sina Cherie Gil at Leo Martinez

- Naikwento ni Ogie Diaz na nito lamang niya nalamang may anak sina Cherie Gil at si Leo Martinez

- Aniya sa 35 taon niya sa showbiz, hindi niya nabalitaang ang panganay na anak ni Cherie ay anak nila ng isa ring batikang aktor sa bansa

- Nalilinya naman sa musika ang anak na ito nina Cherie at Leo na si Jay Eigenmann

- Agosto 5 nang gumulantang sa publiko sa pagpanaw ng mahusay na aktres na si Cherie Gil

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiramay ang bumubuo ng YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update sa pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil.

Ogie Diaz, aminadong nito lang nalaman na may anak sina Cherie Gil at Leo Martinez
Cherie Gil kasama ang panganay na anak na si Jay Eigenmann (@jayeigenmann)
Source: Facebook

Sa pinakabago nilang episode, nabanggit ni Ogie na nito lamang niya nalaman na mayroon pala umanong anak sina Cherie Gil at aktor na si Leo Martinez.

Aniya, sa tagal ng panahon niya sa industriya ng showbiz ay hindi niya agad nalaman na si Jay Eigenmann, ang panganay ni Cherie ay anak din ng naturang aktor.

Read also

Alex Diaz sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz: "paano nangyari 'yun?"

"At nito lang din natin nalaman, diyos ko ang tagal na natin sa showbiz 35 years na 'ko. Nito ko lang nalaman na may anak pala si Cherie Gil kay sir Leo Martinez," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Panganay nila ito si Jay Eigenmann na parang sa musika naman si Jay Eigenmann," dagdag pa ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Ogie Diaz, Mama Loi at Brena mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Agosto 5 nang gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktres sa bansa na si Cherie Gil. Kinumpirma ito ng pamangkin niyang si Sid Lucero na isa sa nagbahagi na sumakabilang buhay na ang isa sa mga haligi ng showbiz ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng pamilya Eigenmann, sinabing 'rare form of endometrial cancer' ang naging karamdaman ng aktres na kanyang pilit na pinaglalabanan noong pa umanong Oktubre ng nakaraang taon.

Read also

Ogie Diaz, inalala ang papuri ni Cherie Gil sa dati niyang alagang si Liza Soberano

Ito umano ang dahilan kung bakit nawala na ito sa kanyang serye sa GMA na 'Legal Wives' at lumipad na patungong New York upang mapalapit sa kanyang mga anak at para sumailalim din sa gamutan sa Memorial Sloan-Kettering Cancer Center doon.

Tumatak sa puso ng mga Pilipino ang iconic 'copycat' scene nila ni Sharon Cuneta sa pelikulang 'Bituing Walang Ningning.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel