Alex Diaz sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz; "paano nangyari 'yun?"

Alex Diaz sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz; "paano nangyari 'yun?"

- Tahasang natanong ni Alex Diaz tungkol sa pagkakaroon nito ng mga anak

- Ayon kay Alex, na-curious siya gayung alam niyang kapwa niya miyembro ng LGBTQ si Ogie D

- Katunayan, tinatawag niya ito at ng karamihan ng Mama Ogs subalit nagkaroon pa ito ng limang mga anak na pawang mga babae pa

- Aminado si Alex na isa si Ogie sa tinitingala niya sa showbiz dahil na rin sa pagkakaroon nito ng pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Ogie Diaz sa aktor na si Alex Diaz, natanong siya nito ng tungkol sa pagkakaroon niya ng mga anak.

Alex Diaz sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz; "paano nangyari 'yun?"
Alex Diaz (@alexandermcdizz)
Source: Facebook

Ayon kay Alex, nagtataka umano siya sa pagkakaroon ng mga anak ni Ogie Diaz na tulad niya'y miyembro ng LGBTQ.

"May tanong ako para sa'yo. Ang dami mong anak. Curious lang ako kasi parehas tayong nasa LGBTQ... And then Mama Ogs yung tawag ko sa'yo or tawag nila sa'yo. Pero bakit parang ano ka, playboy? Ang dami mong naging anak... Paano nangyari 'yun? Inform mo naman ako bilang magkapamilya tayo," tahasang tinanong ni Alex kay Ogie.

Read also

Ogie Diaz, inalala ang papuri ni Cherie Gil sa dati niyang alagang si Liza Soberano

"Merong babaeng na-in love so sinamantala ko. Ganun 'yun. Alam mo sabi nga nila, life is what we make it. Life is a choice. So choice kong magkaroon ng sarili kong pamilya," ang sagot naman ni Ogie kay Alex.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi 'yung dahil sa pagtanda ko may aakay sa'kin, laos na 'yun. Gusto ko 'pag nawala ako mayroon akong buhay na trophy," dagdag pa niya.

Dahil dito, aminado ang aktor na isa si Ogie sa tinitingala nito sa showbiz.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz:

Si Alex Diaz ay isang Filipino-Scottish actor na kasalukuyang may bagong proyekto sa Vivamax ang Pathirsty. Minsan na siyang nasangkot sa iskandalo sa pagitan ng isang fitness instructor subalit nagkaayos na rin naman sila.

Read also

Cristy Fermin, idinetalye ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Sa kanya ngang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview niya kay Andrew Schimmer. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel