Ivana Alawi, may 15 million subscribers na sa YT; 15,000 naman ang natulungang pamilya

Ivana Alawi, may 15 million subscribers na sa YT; 15,000 naman ang natulungang pamilya

- Nagdiwang si Ivana Alawi matapos maabot ang 15 million subscribers sa kanyang YouTube channel

- Bilang pasasalamat, naisipan niyang ibahagi ang biyayang natatanggap

- 15,000 bags ang kanilang ni-repack at ipinamahagi sa mga kababayan nating nangangailangan

- Bukod sa mga pagkain at Ivana skin care product, nag-abot din siya ng pera sa mga masuswerteng pamilyang nabahaginan niya ng biyaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang hindi nakakalimot si Ivana Alawi na ibahagi ang tinatatamasa niyang biyaya lalo na ngayong naabot na niya ang mahigit 15 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Ivana Alawi, may 15 million subscribers na sa YT; 15,000 naman ang natulungang pamilya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, naisipan niyang mamahagi ng mga food bags.

Ayon kay Ivana, matagal na umanong umabot sa 15 million ang kanyang subscribers. Subalit hinintay niyang makalipat sila sa bago nilang bahay bago niya naisipang i-celebrate ang panibago niyang milestone.

Read also

Ogie Diaz, sinabing dumagsa ang tumulong kay Andrew Schimmer at misis nito

Tulad ng nakagawian, tulong-tulong silang pamilya sa pagre-repack maliban lamang kay Mona na masama umano ang pakiramdam at kailangang magpahinga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa 15,000 na food bags ang kanilang naihanda na naglalaman ng nasa tatlong kilong bigas, mga pang-ulam at maging ang isa kanyang Ivana skin product ay kanya ring ipinamahagi.

Sa mismong araw din ng pamamahagi, inaabutan pa niya ng pera ang bawat nabibigyan ng food bag na tuwang-tuwa sa natanggap at dahil narin nakita siya.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Read also

Andrew Schimmer, naniniwalang may dahilan ang Panginoon sa lahat ng nangyayari

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel