Andrew Schimmer, naniniwalang may dahilan ang Panginoon sa lahat ng nangyayari
- Ayon kay Andrew Schimmer may dalawang pinakimportanteng aral siyang natutunan sa nangyayari sa kanilang mag-anak
- Una umano ay naniniwala siyang "everything happens for a reason" at walang coincidence
- Pangalawa ay ang maging maalaga sa kalusugan at sa pangangatawan kahit ano pa ang edad ng tao
- Sa kasalukuyan umano ay mas nag-iingat siya at nagmomonitor siya sa kanyang kalusugan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napagtanto umano ni Andrew Schimmer na ang lahat ng mga nangyayari ay may dahilan at hindi conincidence. Isa lamang ito sa kanyang natutunan sa kabila ng mga nangyari sa kanyang pamilya matapos maospital ang kanyang asawa.
Aniya, kung noon ay naniniwala siya sa coincidence, nagyon ay alam umano niyang "everything happens for a reason."
Aniya pa, natutunan niya ring mas maging maingat sa pangangatawan at sa kanyang kalusugan. Noon umano ay hindi siya masyadong nag-iingat sa pag-aakalang bata pa naman siya. Mapagtanto niyang dapat ay agapan ang anumang nararamdaman. Sa kasalukuyan umano ay mas inaalagaan niya na ang kanyang kalusugan lalo at siya ang inaasahan atpinaghuhugutan ng lakas ng kanyang pamilya.
Siya mismo ang nag-aalaga sa kanyang dalawang anak dahil wala siyang ibang maasahan lalo at siyam na buwan nang nasa ospital ang kanyang asawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't dudurugin kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).
Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.
Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.
Source: KAMI.com.gh