Herlene Budol, pinasalamatan ang manager ilang oras bago ang coronation night

Herlene Budol, pinasalamatan ang manager ilang oras bago ang coronation night

- Pinasalamatan ni Herlene Budol ang kanyang manager na si Sir WIlbert Tolentino sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat ilang oras lamang bago ang Binibining Pilipinas coronation night

- Ngayong gabi, July 31, 2022 naktakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas

- Pinasalamatan din niya ang kanyang stylist, makeup artist at trainer niya sa kanyang pasarela

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Herlene Nicole Budol sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino ilang oras bago ang Binibining Pilipinas coronation night. Kalakip ng kanyang pasasalamat ay binahagi niya ang video ng kanyang pagrampa.

Herlene Budol, pinasalamatan ang manager ilang oras bagong ang coronation night
Herlene Budol, pinasalamatan ang manager ilang oras bagong ang coronation night (@herelene_budol)
Source: Instagram

Pinasalamatan din niya ang kanyang stylist, makeup artist at trainer niya sa kanyang pasarela. Matatandaang kahit noong bago pa magsimula si Herlene sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas ay todo-suporta na sa kanya ang manager.

Read also

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

Thank you for everything Sir @sirwil75. Make up by @maryletim , Hair by @anthonybuenaobra & Stylist @vheecostyle Pasarela Trainer @mommy.gie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong gabi, July 31, 2022 naktakdang ganapin ang pinakainaabangang coronation night ng Binibining Pilipinas. Hindi pa man natatapos ang pageant, bumuhos na ang suporta kay Herlene lalo at kilala siyang malapit sa masa dahil na rin sa pagkabilang niya sa programa ni Willie Revillame.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos. Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Marami ang namangha sa transformation ni Herlene matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kabilang siya sa mga 40 na kalahok na masuwerteng nakapasok sa naturang pageant. Matatandaang dahil hindi siya bihasa sa pagsasalita sa English ay sinabi niyang Tagalog ang gagamitin niya kapag siya ay sasagot sa mga katanungan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate