Maricel Soriano, sinukat ang mga damit na matagl niyang hindi naisuot

Maricel Soriano, sinukat ang mga damit na matagl niyang hindi naisuot

- Pinakita ni Maricel Soriano ang kanyang glow-up sa edad na 57 sa pamamgitan ng kanyang pinakabagong YouTube video

- Inilabas niya ang mga damit na aniya ay matagal na nakatago dahil hindi na kasya sa kanya nang madagdagan ang kanyang timbang

- Isa-isa niyang pinakita ang ilan sa kanyang napiling outfit na kanyang sinukat

- Aniya, sinong mg-aakala na sa edad niyang 57 ay mayroon pang glow-up at mula sa kanyang XL na size ay kumasya na ang small sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang sinukat ni Maricel Soriano ang ilan sa kanyang mga damit na aniya ay matagal nang nakatago dahil hindi umano kasya sa kanya noong XL pa ang size ng kanyang mga suot na damit. Aniya, sinong mg-aakala na sa edad niyang 57 ay mayroon pang glow-up at mula sa kanyang XL na size ay kumasya na ang small sa kanya.

Read also

Toni Fowler, sinabing tanggap niya ang reaksiyon ng mga tao sa pagsampal niya kay Vince Flores

Maricel Soriano, sinukat ang mga damit na matagl niyang hindi naisuot
Maricel Soriano, sinukat ang mga damit na matagl niyang hindi naisuot (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Sa kanyang binahaging bagong YouTube video, isa-isa niyang pinakita ang ilan sa kanyang napiling outfit na kanyang sinukat. Aniya, nagsusuot na siya ngayon ng ibang kulay ng damit. Noong hindi pa nabawasan ang timbang niya ay kadalasang itim lamang umano ang sinusuot niyang mga damit.

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Bea Alonzo, binahagi ang video ng paghahanda para sa surprise dinner para kay Dominic Roque

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel