Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal

Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal

- Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang pananaw kaugnay sa pagbuo ng pangarap sa buhay at sa pagdarasal sa Panginoon

- Sa opening ng "It's Showtime" ay napag-usapan ng mga hosts ang tungkol sa kung ano ang pangarap pa nila na mangyari sa kanilang buhay

- Ayon kay Vice, dapat ay taasan ang pangarap at maniwalang kaya itong abutin sa tulong na rin ng pagdadasal

- Ang mahalaga umano ay dapat palaging sincere kapag nagdadasal sa Panginoon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vice Ganda, kung mangangarap na lang din ay lakihan na at samahan ng pagdarasal sa Panginoon. Aniya, ang mahalaga ay sincere kapag nagdadasal.

Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal
Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa episode ng It's Showtime, napag-usapan ng mga hosts ang tungkol sa mga hiling at pangarap pa nila sa kanilang buhay.

Naibahagi ni Vice na ang kanyang naging dasal sa araw na ito ay panatilihin siyang ligtas. Ito ay dahil kinabahan siya sa lindol na naganap.

Read also

Vice Ganda, binanggit ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia sa 'It's Showtime'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga main hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Matatandaang nabanggit ni Vice Ganda sa isang episode ng 'It's Showtime' ang tungkol sa taong umano'y nakikisali. Aniya, may tao silang napag-usapan na nagpaparinig kahit hindi naman umano ito kasali sa isyu. Hirit naman ng kanyang co-host, pag close lang pwedeng makisali sa isyu nila. Wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda pero base sa reaksiyon ng kanyang mga kasamahan ay kilala nila ang tinutukoy ni Vice Ganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel