Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy'

Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy'

- Malungkot na binalita ni Rica Peraleo ang tungkol sa kanyang pagbubuntis na hindi natuloy

- Hindi nabuo ang sanggol sa kanyang sinapupunan at ito umano ang pangatlong pagbubuntis niya na hindi natuloy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naipakita pa niya sa kanyang mister noong Father's Day ang positive home pregnancy test bilang sorpresa sa asawa

- Aminado si Rica na nasasaktan pa rin siya ngunit mas kalmado na umano siya kung ikukumpara sa mga nauna niyang pagbubuntis na hindi natuloy

Ayon kay Rica Peralejo, hindi niya inasahan ang pagbubuntis niya sa edad na 41 ngunit masayang-masaya sila ng kanyang asawa. Gayunpaman, hindi na nabuo ang sanggol sa kanyang sinapupunan at ito umano ang pangatlong pagbubuntis niya na hindi natuloy.

Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy'
Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy' (@ricaperalejo)
Source: Instagram

Sa kanyang bagong vlog ay inamin ni Rica na hindi naging madali sa kanya ang taong 2022 dahil nawala din ang kanyang kapatid sa taong ito.

Read also

Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naipakita pa niya sa kanyang mister noong Father's Day ang positive home pregnancy test bilang sorpresa sa asawa at hindi rin nito matago ang kanyang kasiyahan.

Kung si Rica umano ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng maraming anak. Aminado si Rica na nasasaktan pa rin siya ngunit mas kalmado na umano siya kung ikukumpara sa mga nauna niyang pagbubuntis na hindi natuloy.

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Read also

Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong iparenovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pinarenovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel