Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya

Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya

- Pinalagan ni Rosmar Tan ang mga pambabatikos sa kanya dahil sa isang video niya sa TikTok

- May mga netizens na pumuna sa paraan umano ng paghawak niya sa kanyang baby kahit dalawang buwan pa lamang ito

- Paliwanag naman ni Rosmar, bilang first time mom, hindi niya alam na hindi pala pwede na hayaan sa ganoong posisyon ang baby

- Aniya, kaya hindi niya pa rin binubura ang video ay dahil gusto umano niyang matuto pa sa pamamagitan ng mga komento ng mga netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Rosmar Tan sa isang netizen na nag-share sa kanyang video kung saan karga-karga niya ang kanyang anak. May mga netizens na pumuna sa paraan umano ng paghawak niya sa kanyang baby kahit dalawang buwan pa lamang umano ito.

Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya
Rosmar Tan, pumalag sa pambabatikos sa kanya kaugnay sa pagkarga niya sa anak niya (@rosmartan)
Source: Instagram

Ayon kay Rosmar, kahit pwede niyang burahin ang naturang video o di kaya ay i-off ang comment section, hindi niya ginawa dahil nais umano niyang magbasa ng mga komento para lalo siyang matuto.

Read also

Rica Peralejo, binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong 'failed pregnancy'

Bilang isang first time mom, hindi umano niya alam na hindi pala dapat hayaan ang anak na hindi suportado ang ulo habang karga-karga niya.

Kusa kasi sya gumanyan akala ko okay lang next time alam ko na thankyou universe

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post

Read also

Sister TikToker, kinagiliwan online; inspirasyon ang hatid sa mga kabataan

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel