Maegan Aguilar, aminadong hindi sila nag-uusap ng kanyang ama

Maegan Aguilar, aminadong hindi sila nag-uusap ng kanyang ama

- Sumali si Maegan Aguilar sa talent search na "Bida Next" na napapanood sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naibahagi sa Facebook page ng Eat Bulaga nitong July 23, 2022 ang video ng pagsali ni Maegan sa naturang talent search

- Naibahagi niyang hindi niya nakakausap ang kanyang panganay na anak na 16 taong gulang na at nasa Houston, Texas

- Naibahagi niya din na hindi sila nagkakausap ng kanyang amang nakasamaan niya ng loob dahil aniya sa mga maling desisyon na nagawa niya sa kanyang buhay

Aminado si Maegan Aguilar na hindi sila nagkakausap ng kanyang amang si Freddie Aguilar dahil na rin sa kanyang mga desisyong nagawa niya sa buhay niya na hindi nagustuhan ng ama. Naibahagi sa Facebook page ng Eat Bulaga nitong July 23, 2022 ang video ng pagsali ni Maegan sa naturang talent search na "Bida Next".

Read also

Pagkanta ni Julia Barretto nang live, mabilis na nag-viral

Maegan Aguilar, aminadong hindi sila nag-uusap ng kanyang ama
Maegan Aguilar, aminadong hindi sila nag-uusap ng kanyang ama (facebook.com/freddieanakaguilar)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa sa mga dahilan niya sa kanyang pagsali ay baka sakaling makita siya ng kanyang 16 anyos na panganay. Kasalukuyan umano itong nasa Houston, Texas dahil minabuti niyang ipadala ang anak sa poder ng ama dahil alam niyang mas maganda ang kinabukasan niya doon kesa kasama siya.

Nasa poder ng kanyang ama ang kanyang 12 anyos na anak. Gayunpaman, aminado siyang hindi niya nakakausap ang ama.

"If I cannot have a life as a daughter, then I should just work on being a mother."

Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Read also

Herlene Budol, naging daan para makita ang lolo na inakalang patay na ng kanyang pamilya

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko. Isinapubliko ng mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Kamakailan ay isang nakakatuwang anniversary message ang binahagi ng maybahay ni Ka Freddie sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taong pagsasama. Nagbalik-tanaw ang asawa ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung kailan niya sinagot si Ka Freddie at aniya ay hindi naging mabait sa kanya ang mundo noong siya ang piniling mahalin nito. Gayunpaman aniya ay naging mabait sa kanya ang Panginoon at kung bibigyan umano siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang pipiliin niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate