Madam Kilay, nagpasaring tungkol sa taong nag-alok na kunin siyang ninang
- Ayon kay Madam Kilay, ayaw niyang kuning ninang ng taong aniya'y nag-alok na kunin siyang ninang
- Sa kanyang live video sa Facebook ay pabiro niyang sinabi na ayaw umano niya ng ninang na may 'sapak'
- Hindi din umano niya paglilihian ang taong ito dahil ani Madam Kilay, pangit na nga ang nanay ay magiging pangit din ang lalabas sa anak
- Dagdag pa ni madam Kilay, gwapo ang kanyang asawa at hindi na niya kailangan paglihian ang taong pinatutungkulan niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Diretsahang inayawan ni Madam Kilay ang pag-alok umano ng isang taong na kunin siyang ninang. Sinagot niya rin ang sinabi umano ng taong ito na pinaglilihian umano siya ni Madam Kilay.
Ayon kay Madam Kilay, hindi umano niya paglilihian ang taong ito dahil ani Madam Kilay, pangit na nga ang nanay ay magiging pangit din ang lalabas sa anak. Gusto niya umanong bumawi sa mukha ang kanyang anak.
Matatandaang nauna nang inamin ni Madam Kilay na totoo ang sinabi ni Rosmar Tan na tatlong buwan siyang buntis. Inalmahan lamang niya na ito pa ang unang naglabas sa publiko ng tungkol sa kanyang pagbubuntis.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.
Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.
Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.
Source: KAMI.com.gh