Juliana Segovia, umalma matapos mareport ang kanyang post
- Inalmahan ni Juliana Parizcova Segovia ang aniya'y pagreport sa kanyang "Zerowena" na Facebook post
- Aniya, akala niya ay bardagulan kaya kinukuwestiyon niya kung bakit umano may pag-report
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Nagtanong pa ito kung pakyawan daw ba dahil aniya ay gurang na, pangit na at pikon pa
- Binahagi din niya ang screenshot ng kanyang naunang post na kung saan nakalagay ang mensahe mula sa Facebook na hindi muna makakapag-post o comment sa loob ng pitong araw
Umalma si Juliana Parizcova Segovia sa aniya'y pagreport sa kanyang post. Gamit ang isa pa niyang Facebook account, binahagi din niya ang screenshot ng kanyang naunang post at nagpatutsada sa aniya'y gurang na, pangit na at pikon pa.
Aniya, akala niya ay bardagulan kaya kinukuwestiyon niya kung bakit umano may pag-report. Sa screenshot na kanyang binahagi nakalagay ang mensahe mula sa Facebook na hindi muna makakapag-post o comment sa loob ng pitong araw.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Juliana na nauunawaan niya ang mga nakatrabaho niyang umalma sa kanyang mga naging pahayag kamakailan. Aniya, ibibigay niya ang respeto sa mga ito at hindi siya sa sasagot sa mga aniya'y personal na pang-aatake sa kanya. Gayunpaman, yung isang nagsabing sasampalin daw siya kapag nagkaroon ng face to face presscon ay hinamon niyang totohanin ang kanyang sinabi. Matatandaang umani ng mga negatibong komento ang komedyante matapos niyang maging bahagi ng ilang videos ng Vincentiments YouTube channel kamakailan.
Matatandaang naging usap-usapan ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana. Base sa nasabing video, parody video ito ng kontrobersiyal na video ng Young Public Servants kung saan si Angelica Panganiban ang nagsasalita. Sa video ni Angelica, nagbigay siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.' Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh