Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"

Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"

- Ayon kay Juliana Parizcova Segovia, wala naman umano siyang sinabi na maganda siya

- Aniya ang sinabi niya ay pangit umano ang kanyang pinapatutsadahang tao at aniya kilala ng pangit ang pangit kaya dapat siyang paniwalaan

- Matatandaang sa kanyang naunang post ay nabanggit niya ang tungkol sa aniya'y "Zerowena"

- Sa kanyang mga sumunod na post ay wala na itong nabanggit na pangalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Juliana Parizcova Segovia na wala naman umano siyang sinasabing maganda siya. Ito ay kasunod ng kanyang naunang post kung saan nabanggit niya ang salitang "Zerowena."

Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"
Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit" (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post kung saan wala na siyang nabanggit na pangalan, sinabi daw niya ay pangit umano ang kanyang pinapatutsadahang tao at aniya kilala ng pangit ang pangit kaya dapat siyang paniwalaan.

Wala naman akong sinabing maganda ako, sinabi ko lang pangit ka. Kilala ng pangit ang pangit, kaya maniwala ka.

Read also

Juliana Segovia, umalma matapos mareport ang kanyang post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit"
Juliana Segovia, muling nagpatutsada: "Kilala ng pangit ang pangit" (facebook.com/julianapsegovia)
Source: Facebook

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Juliana na nauunawaan niya ang mga nakatrabaho niyang umalma sa kanyang mga naging pahayag kamakailan. Aniya, ibibigay niya ang respeto sa mga ito at hindi siya sa sasagot sa mga aniya'y personal na pang-aatake sa kanya. Gayunpaman, yung isang nagsabing sasampalin daw siya kapag nagkaroon ng face to face presscon ay hinamon niyang totohanin ang kanyang sinabi. Matatandaang umani ng mga negatibong komento ang komedyante matapos niyang maging bahagi ng ilang videos ng Vincentiments YouTube channel kamakailan.

Read also

Viral delivery rider noong 2020, nagtapos na ngayon bilang magna cùm laude

Matatandaang naging usap-usapan ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana. Base sa nasabing video, parody video ito ng kontrobersiyal na video ng Young Public Servants kung saan si Angelica Panganiban ang nagsasalita. Sa video ni Angelica, nagbigay siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.' Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel