Bea Alonzo, taas noo umano sakali mang magkasalubong sila ng kanyang ex

Bea Alonzo, taas noo umano sakali mang magkasalubong sila ng kanyang ex

- Ayon kay Bea Alonzo, taas noo siya sakali mang magkaharap sila ng kanyang ex-boyfriend

- Aniya, hindi naman siya maiilang dahil wala namang bagahe ang kanyang konsensiya

- Masakit man ang pinagdaanan ay mas pinipili umano niyang bigyan pansin ang naituro ng kanyang karanasan sa kanya

- Aniya, sa tingin niya ay naging inspirasyon sa kapwa niya babae na may parehas na pinagdadaanan sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinagot ni Bea Alonzo na taas noo siya sakali mang magkaharap sila ng kanyang ex-boyfriend at hindi umano siya maiilang dahil wala namang bagahe ang kanyang konsensiya. Ito ay kanyang sinabi sa panayam sa kanya ng GMA showbiz news reporter na si Nelson Canlas.

Bea Alonzo, taas noo umano sakali mang magkasalubong sila ng kanyang ex
Bea Alonzo, taas noo umano sakali mang magkasalubong sila ng kanyang ex (@beaalonzo)
Source: Instagram
“And just, you know, walk straight, I guess, kasi hindi ikaw yung maiilang kasi ikaw yung walang bagahe sa konsensya mo, e,”

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Masakit man ang pinagdaanan ay mas pinipili umano niyang bigyan pansin ang naituro ng kanyang karanasan sa kanya. Aniya, sa tingin niya ay naging inspirasyon sa kapwa niya babae na may parehas na pinagdadaanan sa kanya.

Masaya na rin siya sa kanyang kasalukuyang karelasyon na si Dominic Roque. Sa naturang panayam ay naibahagi niya ang mga nakakakilig na tagpo sa kanilang relasyon ni Dominic.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Sa video ni Francine Diaz sa kanyang YouTube channel si Bea ang kanyang naging panauhin. Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Bea Alonzo, umaming tinawagan ang ex nang malasing siya

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate