Ruffa Gutierrez, nilinaw ang tungkol sa kasambahay na pinalayas: "I did not fire anyone"

Ruffa Gutierrez, nilinaw ang tungkol sa kasambahay na pinalayas: "I did not fire anyone"

- Sinagot ni Ruffa Gutierrez ang lumabas na balita tungkol sa umano'y pinalayas na kasambahay

- Ani Ruffa, wala siyang sinisante at nais umanong umalis ng dalawang kasambahay

- Madalang lang umano siyang nakakauwi sa kanilang bahay dahil araw-araw ay nasa shooting siya ng pelikulang "Maid in Malacañang"

- Matatandaang, tinanong siya ni Atty. Rowena Guanzon tungkol dito matapos umanong tulungan ng kanyang kaibigan na pinalayas ng amo nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ruffa Gutierrez, wala siyang sinisante at kagustuhan umano ng dalawang kasambahay na umalis sa kanila. Kaugnay ito sa napabalitang dalawang kasambahay na pinalayas umano sa village.

Ruffa Gutierrez, nilinaw ang tungkol sa kasambahay na pinalayas: "I did not fire anyone"
Ruffa Gutierrez, nilinaw ang tungkol sa kasambahay na pinalayas: "I did not fire anyone"(@iloveruffag)
Source: Instagram

Ani Ruffa, wala siyang sinisante at nais umanong umalis ng dalawang kasambahay. Madalang lang umano siyang nakakauwi sa kanilang bahay dahil araw-araw ay nasa shooting siya ng pelikulang "Maid in Malacañang."

Read also

Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz

Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG - You should watch it BTW. You’re gonna love it.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito ang naging tugon ni Ruffa sa tweet ni Atty. Rowena Guanzon kaugnay sa dalawang kasambahay na umano ay tinulungan ng kanyang kaibigan matapos palayasin sa village.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel