Nanay ng boyfriend ni Madam Inutz, umalma sa mga nagsasabing paminta ang anak

Nanay ng boyfriend ni Madam Inutz, umalma sa mga nagsasabing paminta ang anak

- Naitanong ni Madam Inutz sa mama ng boyfriend na si Tantan kung ano ang masasabi nito sa mga nagsasabing "paminta" umano ito

- Hindi maitago ng mama ni Tantan na naiinis ito sa mga taong nanghuhusga sa kanyang anak

- Gayunpaman, pinasalamatan nito si Madam Inutz dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa anak laban sa mga pambabatikos

- Para naman kay Tantan, wala umano siyang dapat ipaliwanag sa mga taong ito at kung ito umano ang ikakasaya ng mga bashers ay gawin lang nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinanong ni Madam Inutz ang mama ng boyfriend niyang si Tantan kaugnay sa kanyang opinyon tungkol sa mga nagsasabing paminta ang anak niya. Hindi nito ikinailang naasar siya sa panghuhusga sa anak.

Nanay ng boyfriend ni Madam Inutz, umalma sa mga nagsasabing paminta ang anak
Nanay ng boyfriend ni Madam Inutz, umalma sa mga nagsasabing paminta ang anak (facebook.com/DaisyCabantogLopez)
Source: Facebook

Gayunpaman, alam niya umanong lalaking-lalaki ang anak niya. Sa katunayan ay may anak din si Tantan na lalaki na kasama nila sa bahay.

Read also

Madam Inutz, pinasilip ang bonding moment nila ng boyfriend

Pinasalamatan din nito si Madam Inutz dahil sa ginawa nitong pagtatanggol kay Tantan sa gitna ng mga pambabatikos sa kanila.

Para naman kay Tantan, wala umano siyang dapat ipaliwanag sa mga taong ito at kung ito umano ang ikakasaya ng mga bashers ay gawin lang nila.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Narito ang mga komento ng viewers sa YouTube video ni Madam Inutz:

Bakit nga ba sa lahat ng vlog naisisingit issue na paminta jowa mo...dont mind them nalang kung di naman totoo sabi nga nyang jowa mo wala siya paki so hayaan nyo na mga bashers...focus sa content
Siguro para sa akin madam . Kaya si sir. Tantan sinasabi na paminta po ay dahil sa lambot nang katawan niya po sa pag sasayaw niya po sa tiktok po. Kaya siguro po ganun

Read also

Julia Barretto at mga kapatid, naihalintulad umano ng netizens sa mga anak ni Ruffa

Katuwa nman get along kayo ng “future mother in law mo” at she looks young parang magkapatid lang silang mag ina …Stay happy just ignore mga tao na ayaw maging masaya ang kapwa nila.

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel