Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

- Ayon kay Cristy Fermin, nagulantang na lamang si Tom Rodriguez nang datnang nakabalot na ang kanyang gamit sa labas ng kanilang bahay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ayon daw sa source umano ni Ogie Diaz, si Sam Milby ang tinawagan ni Tom na aniya ay siyang tumulong sa aktor

- Noong panahong umalis umano sa Tom sa bahay nila, nakikiusap lang siya sa mga kaibigan para sa mga raket para mairaos niya ang buhay niya

- Pakiusap umano ni Carla kay Tom kahit noong hindi pa sila ikinakasal ay huwag nitong gayahin ang kanyang daddy na nagkaroon ng ibang pamilya

Ayon kay Cristy Fermin, nakarating umano sa kanya na ikinagulat na lang ni Tom Rodriguez nang datnan niyang nakabalot na ang kanyang gamit sa labas ng kanilang bahay. Si Sam Milby umano ang tinawagan ni Tom na aniya ay siyang tumulong sa aktor.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbahagi ng Father's Day tribute para sa mister na si Dennis Trillo

Carla Abellana, itinapon daw ang gamit ni Tom Rodriguez sa labas ng bahay ayon kay Cristy Fermin
Carla Abellana, itinapon daw ang gamit ni Tom Rodriguez sa labas ng bahay ayon kay Cristy Fermin (@carlaangeline)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang online show na Showbiz, Now Na! nabanggit ni Cristy na kahit noong magkasintahan pa lamang umano sina Tom at Carla, pinakiusap umano nang paulit-ulit ng aktres na huwag nitong gagayahin ang ginawa ng kanyang ama na nagkaroon ng ibang pamilya.

Marahil umano ay ito ang nakaapekto sa kung paano nagdesisyon si Carla patungkol sa kinaharap na problema nilang mag-asawa.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel