BB Gandanghari, nakiramay sa pagpanaw ng ama ni Carmina Villaroel

BB Gandanghari, nakiramay sa pagpanaw ng ama ni Carmina Villaroel

- Nakiramay si BB Gandanghari kay Carmina Villaroel sa pagpanaw ng kanyang ama na kanya ding tinawag na 'Daddy Regy'

- Sa kanyang mensahe ay sinabi ni BB na si Daddy Regy ni Carmina ay mailalarawan niya bilang most respectable, kindest and coolest person na nakilala niya

- Ibinahagi niya rin kung gaano niya tinitingala at nirerespeto ang ama ng kanyang dating asawa noong siya ay kilala pa bilang si Rustom Padilla

- Pinasalamatan naman siya ni Carmina sa kanyang pakikiramay sa pagdadalamhati ng pamilya ng aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa si BB Gandanghari sa nakiramay kay Carmina Villaroel sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na Daddy Regy. Sa kanyang mensahe ay sinabi ni BB na mailalarawan niya bilang most respectable, kindest and coolest person na nakilala niya ang ama ni Carmina.

Read also

Francine Diaz, pinabilib si Darla Sauler sa kanyang pagiging organized

Photo from Instagram account of BB Gandanghari (@gandangharibb)
Photo from Instagram account of BB Gandanghari (@gandangharibb)
Source: Instagram

Ibinahagi niya rin kung gaano niya tinitingala at nirerespeto ang ama ng kanyang dating asawa noong siya ay kilala pa bilang si Rustom Padilla. Pinasalamatan naman siya ni Carmina sa kanyang pakikiramay.

I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family. Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met. I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar. I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. Hugs to you…

Matatandaang noong nakaraang linggo, ibinahagi ni Carmina ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si BB Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla. Dati siyang asawa ng aktres na si Carmina Villaroel matapos nilang ikasal noong 1994. Taong 2002 nang tuluyang mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt

Kamakailan ay masayang ibinahagi ni BB Gandanghari na pakiramdam niya ay babaeng-babae siya sa kanyang pagsasailalim sa mammogram. Ito ay dahil mga babae lamang ang sumasailalim sa ganitong procedure sa kanilang physical check up.

Kamakailan ay naibahagi ni Ogie Diaz ang tungkol sa pagbabati nila ni BB matapos nilang magkita sa Amerika. Pinasalamatan ni BB si Ogie sa ginawa nitong pagtulong sa kapatid na si Robin Padilla. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at nagkapatutsadahan sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel