Lorin at Venice Gutierrez, tinuruang mag-Tagalog ang kapatid na si Ilknaz Bektas

Lorin at Venice Gutierrez, tinuruang mag-Tagalog ang kapatid na si Ilknaz Bektas

- Binahagi ni Lorin Gutierrez sa kanyang IG story ang nakakaaliw na video ng kanilang kapatid na si Ilknaz Bektas

- Sinusubukan nitong magsalita ng Tagalog at sinabi nitong mahal niya ang kanyang kapatid

- Kasalukuyang nasa Istanbul Turkey ang dalawang anak ni Ruffa sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas

- Ito ang kanilang unang pagsasama matapos ang 15 taon mula nang umuwi sa Pilipinas ang mag-iina

Ibinida ni Lorin Gutierrez ang kapatid na si Ilknaz Bektas na kanyang kapatid sa amang si Yilmaz Bektas. Binahagi ni Lorin sa kanyang IG story ang nakakaaliw na video ng kanilang kapatid na sumusubok magsalita ng Tagalog.

Lorin at Venice Gutierrez, tinuruang mag-Tagalog ang kapatid na si Ilknaz Bektas
Photo: Ruffa Gutierrez (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sinasabi nito na mahal niya ang kanyang kapatid habang tinuturuan siya ni Lorin kung paano ang tamang pagbigkas.

Maging si Ilknaz ay nag-post ng picture nilang tatlo at aniya, ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

Read also

Madam Kilay, nag-react sa mensahe ni Unicorn kay Toni Fowler: "Ah talaga ba?!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinakita ni Ruffa Gutierrez ang nakakaantig na tagpo ng muling pagkikita ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice kasama ang kanilang amang si Yilmaz Bektas. 15 taon silang hindi nagkasama matapos umuwi ng mag-iina sa Pilipinas. Sa post ni Ruffa ay ginamit niya ang mga hashtags na #NewBeginnings at #TogetherAgain.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibhagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel