Madam Kilay, nag-react sa mensahe ni Unicorn kay Toni Fowler: "Ah talaga ba?!"

Madam Kilay, nag-react sa mensahe ni Unicorn kay Toni Fowler: "Ah talaga ba?!"

- Nagkaayos na sina Toni Fowler at kaibigan nitong si Unicorn Arellano na mas nakilala sa tawag na "Bhi3"

- Sa kanyang Facebook post ay isang mensahe ang binahagi ni Unicorn para sa kanyang BFF na si Toni

- Umani naman ng mga reaksiyon ang naging komento ni Madam Kilay sa naturang post ni Unicorn

- Matatandaang nakasama din ni Unicorn si Madam Kilay matapos ang kontrobersiyal na pasaringan nila ni Toni

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkabati na sina Toni Fowler at kaibigan nitong si Unicorn Arellano na mas nakilala sa tawag na "Bhi3." Matatandaang naging kontrobersiyal ang pasaringan nila kamakailan at sa kasagsagan nito ay isang kanta pa ang nilabas ni Toni.

Madam Kilay, nag-react sa mensahe ni Unicorn kay Toni Fowler: "Ah talaga ba?!"
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post ay isang mensahe ang binahagi ni Unicorn para sa kanyang BFF na si Toni. Aniya, hindi nagbago ang pagmamahal niya sa kanyang kaibigan sa kabila ng lahat ng mga nangyari.

Read also

CEO ng Brilliant Skin, nanindigang hindi bibitawan si Andrea Brillantes

Dito ay napa-komento si Madam Kilay at aniya ay ayaw niya na lang magsalita. Agad na umani ng "haha" reacts at mga reply ang komento niyang ito:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ah talaga ba?! Ayuko na Lang mag talk CHISMOSA pa naman ako.

Matatandaang nakasama din ni Unicorn si Madam Kilay matapos ang kontrobersiyal na pasaringan nila ni Toni .

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Matatandaang naiulat ng KAMI na tiniyak ni Toni Fowler na walang mangyayaring balikan sa pagitan nila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Nagpapasalamat umano siya sa kanyang boyfriend dahil naiintindihan nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang ex.

Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex-boyfriend na si Rob Moya. Naniniwala raw kasi siya na "everyone deserves a second chance." Sa kanyang binahaging video ay binalikan ni Toni ang kanilang masasayang alaala kasama si Rob. Dumating din umano sa punto na si Rob ang bumuhay sa kanilang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel