Justin Bieber, dumanas ng face paralysis kaya nakansela umano ang mga shows

Justin Bieber, dumanas ng face paralysis kaya nakansela umano ang mga shows

- Sa isang Instagram video ay pinakita ng Canadian singer ang kalagayan ng kanyang mukha matapos umano siyang makaranas ng face paralysis

- Naibahagi niyang nagkaroon siya ng Ramsay Hunt syndrome, isang kondisyon na nakakaapekto sa ugat sa mukha

- Dahil dito ay kinansela ang mga nakatakdang shows niya sa Toronto, Canada at sa Washington D.C., United States

- Sa naturang video ay makikita ang isang bahagi ng mukha ni Bieber, kabilang ang mata ilong at bibig na hindi nakakagalaw kagaya nang nasa kabilang bahagi ng kanyang mukha

Nilinaw ni Justin Bieber ang dahilan ng pagkakakansela ng kanyang mga nakatakdang shows niya sa Toronto, Canada at sa Washington D.C., United States. Sa isang video ay makikita ang isang bahagi ng mukha ni Bieber, kabilang ang mata ilong at bibig na hindi nakakagalaw kagaya ng nasa kabilang bahagi ng kanyang mukha.

Read also

Skusta Clee, binahagi sa Twitter ang isang linya sa bagong kanta nila

Justin Bieber, dumanas ng face paralysis kaya nakansela umano ang mga shows
Canadian singer-songwriter Justin Bieber arrives for the 64th Annual Grammy Awards at the MGM Grand Garden Arena in Las Vegas on April 3, 2022. (Photo by ANGELA WEISS / AFP)
Source: Getty Images

Nagkaranas umano siya ng face paralysis matapos siyang magkaroon siya ng Ramsay Hunt syndrome, isang kondisyon na nakakaapekto sa ugat sa mukha.

"For those who are frustrated by my cancellations of the next shows, I’m just physically, obviously not capable of doing them. This is pretty serious. As you can see,”

Gugulin daw niya ang oras niya para makapag-relax at makapagpahinga upang bumalik sa kondisyon ang kanyang katawan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinasalamatan niya ang kanyang mga fans sa pag-unawa sa kanya at sinisigurado niyang gumagawa siya ng mga facial exercises para maibalik sa normal na kondisyon ang kanyang mukha.

Si Justin Drew Bieber ay isang Canadian singer na na nakilala sa music industry noong 2009 sa edad na 15. Nagkaroon siya ng maraming hit single at album mula noon at sumikat sa iba't-ibang panig ng mundo.

Read also

Nora Aunor, pinagdiwang ang kaarawan kasama ang mga anak at mga apo

Matatandaang taong 2018 nang isapubliko ng Candian singer ang kanyang mensahe kay Hailey Baldwin kung saan tinawag niya ito na kanyang "wife." Hindi man diretsahan ang kanyang naging anunsiyo ay ikinabigla ito ng kanyang mga fans. Muli silang ikinasal sa Montage Palmetto Bluff sa South Carolina noong 2019.

Samantala, naibahagi din ni Justin ang kanyang pagkakaroon ng Lyme disease at chronic mono. Ito ay kanyang binanggit matapos ang mga komento sa kanyang physical at mental state. Taong 2020 nang ilabas nila ang isang documentary kaugnay sa mga kalagayan ng singer.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: