Luis Manzano sa pamba-bash na siya'y miyembro umano ng LGBT; "Natatawa na lang ako"

Luis Manzano sa pamba-bash na siya'y miyembro umano ng LGBT; "Natatawa na lang ako"

-Natatawa na lamang daw si Luis Manzano sa mga namba-bash umano sa kanya

- Isa na rito ay tungkol umano sa pagiging isang miyembro niya ng LGBTQ na bata pa lamang daw siya'y naba-bash na siya ukol dito

- Aniya, sinasagot niya ito ng pabiro subalit ilan ay tila sineseryoso ang kanyang mga komento at pahayag

- Tanggap pa niya kung ang mga pambabatikos ay ukol sa kanya ngunit ubang isapan na raw kung idamay na ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natatawa na lamang daw si Luis Manzano sa mga umano'y namba-bash sa kanya sa social media.

Luis Manzano sa pamba-bash na siya'y miyembro umano ng LGBT; "Natatawa na lang ako"
Luis Manzano (Photo from @senorita_jessy)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila sa naging interview sa kanya ni Ogie Diaz.

Nabanggit kasi ni Ogie na tila kilala si Luis sa paglalaan umano ng oras sa pagsagot sa kanyang mga bashers.

Read also

Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya

Doon nasabi niyang bata pa lamang siya'y bikitma na siya ng bashing lalo na pagdating umano sa kanyang kasarian.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam niyo, akala lang ng mga tao na 'pag sinasagot ko yung basher, akala seryoso ako. Akala pikon ako... Wala lang gusto ko lang ding mang-asar."

"Bata pa lang ako, naba-bash na ako... Bata pa lang ako 'pag dumadalaw ako sa show ng mommy ko, sa Vilma dati, ito 'yung sinsabi nilang pam-bash, hindi ko sinasabi na negative 'yung connotation sinasabi sa'kin na 'ay bakla 'yan... Bata pa lang ako may ganun na," pahayag ni Luis.

"So ako, sa akin kahit anong hirit 'yan natatawa ako... E ako 'yung artistang hindi ako nagbabait-baitan e, so pag sumasagot ako, natatawa lang ako," dagdag pa ni Luis na sinabi ring ibang usapan na kung nadamay na ang kanyang pamilya.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Luis Manzano ay kilalang TV host sa Pilipinas. Anak siya ni Star for All Reasons na si Vima Santos at ang batikang aktor din na si Edu Manzano. Masaya ngayon ang puso ni Luis na mister ni Jessy Mendiola.

Samantala, inakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel