Paolo ng Ben and Ben, emosyonal sa vlog ni Karen Davila: "First time ko maiyak sa interview"

Paolo ng Ben and Ben, emosyonal sa vlog ni Karen Davila: "First time ko maiyak sa interview"

- Naluha si Paolo Benjamin Guico ng bandang Ben & Ben sa interview sa kanila ni Karen Davila

- Ito ay sa bahaging naitanong ang tungkol sa pagkakasakit ng kanilang ate

- Ayon kay Paolo, first time niyang maging emosyonal at talagang naluha sa isang interview

- Isa ang Ben & Ben sa mga kinikilalang mahuhusay na banda sa henerasyon ngayon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na napigilang maluha ni Paolo Benjamin Guico ng bandang Ben & Ben sa naging interview sa kanila ni Karen Davila.

Paolo ng Ben and Ben, emosyonal sa vlog ni Karen Davila: "First time ko maiyak sa interview"
Paolo Benjamin Guico ng Ben and Ben (@paolobenjamin_)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay nang matanong ni Karen ang tungkol sa pagkakaroon ng COVID-19 ng ate ng kambal.

"First time ko umiyak sa interview... Malalim kasi akong ma-attach, at that moment parang wala kaming pakialam sa ibang mangyari basta maging ok siya," paliwanag ni Paolo.

Read also

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

Dagdag pa ng kakambal nitong si Miguel Benjamin, ang nagpahirap pa umano sa nasabing sitwasyon ay hindi nila basta masamahan ang ate na alam nilang mas kailangan sila sa oras na iyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, nakabuo rin sila ng isang makabuluhang awitin, ang 'Magpahinga". Naging inspirasyon man nila ang kapatid sa paggawa ng kantang ito ngunit iniaalay din nila ito sa mga taong tila nakakalimot nang gawin ito lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa pandemya.

"It's something that you can sync yourself. It was our way of reaching out din. I mean for our sister, but also to everyone..." ani Miguel.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Karen Davila YouTube channel:

Sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin Guico ay bahagi ng bandang Ben & Ben na unang nakilala umano bilang 'The Benjamins.' Taong 2015 nang makilala si sa Philippine music scene dahil sa awitin nilang 'Kathang Isip ' at 'Tinatangi.'

Read also

Alex Gonzaga, natuwa sa -viral niyang tweet na may 'unity' comments ng netizens

Mula noon, hindi na mapigil umano ang pagsikat ng kanilang mga inilalabas na awitin tulad ng 'Pagtingin,' 'Maybe the night', 'Leaves' at marami pang iba.

Nito lamang Halalan 2022, isa rin ang bandang Ben & Ben sa mga boluntaryong sumuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Una silang nakasama sa nasabing kampanya noong Marso 20 sa Pasig City hanggang sa halos lahat na ng People's rally ng Leni-Kiko tandem at Tropang Angat ay kabilang na sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel