VP Leni, natuwa sa pagbisita at pakiki-jammming sa kanila ng Ben & Ben sa Bicol

VP Leni, natuwa sa pagbisita at pakiki-jammming sa kanila ng Ben & Ben sa Bicol

- Mismong si Vice President Leni Robredo ang nagbahagi ng kanilang larawan kasama ang bandang Ben & Ben

- Nagkataong nasa Bicol din ang banda na bumisita at naki-jamming sa kanila

- Tuwang-tuwa umano ang bunsong anak ni VP Leni na si Jillian na isa umanong fan ng banda

- Isa ang bandang Ben & Ben sa mga kilalang personalidad na boluntaryong sumusuporta kay Vice President Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang pagbisita sa kanila ng bandang Ben & Ben.

Sa kanyang Facebook post ngayong Sabado, Abril 14, makikitang naki-jam pa sina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin.

VP Leni, natuwa sa pagbisita at pakiki-jammming sa kanila ng Ben & Ben sa Bicol
VP Leni, natuwa sa pagbisita at pakiki-jammming sa kanila ng Ben & Ben sa Bicol (Photo: Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Wala umanong mapag-sidlan ng kasiyahan ang bunsong anak ni VP Leni na si Jillian.

Fan daw talaga ito ng Ben and Ben at bilang hilig din nito ang pagkanta at ang musika, nagpaunalak din siya ng awitin kasama ang kambal ng banda.

Read also

Daniel Padilla, nakiisa sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Quezon City

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ben & Ben in the house... Paolo and Miguel were spending their Holy Week in Bicol with their family and what a treat for all of us when they decided to drop by. Best surprise for Jillian, who is a great fan, " ang bahagi ng caption ni VP Leni sa kanyang post.

Isa ang bandang Ben & Ben sa mga kilalang personalidad na nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

Ayon pa sa grupo, boluntaryo ang kanilang ginagawa at at hindi umano sila bayad sa pagsuporta nia kina VP Leni.

Nabanggit din sa naturang post na ang unang ganap na pupuntahan ay ang Pasig na halos susundan ng pagkampanya sa mga Kakampink ng Nueva Ecija.

Read also

'Mosang' sa "Len-Len series" ng VinCentiments, isa pala umanong Kakampink

Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.

Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.

Tahasang sinabi ng mga ito na pawang fake news lamang ang narutang post at walang katotohanang sasama sila sa pangangampanya ng grupo ni presidential candidate BongBong Marcos at ka-tandem nito na kumakandidato naman sa pagka- bise presidente na si Sara Duterte.

Kamakailan, inalmahan din mismo ni Vice President Leni Robredo ang isa ring fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: