Daniel Padilla, nakiisa sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Quezon City

Daniel Padilla, nakiisa sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Quezon City

- Nakiisa si Daniel Padilla sa mural painting activity ng mga supporters ng Robredo-Pangilinan tandem

- Ilang larawan ang naibahagi online kung saan hawak ni Daniel ang paint brush at nagpipinta sa bahagi ng iginuguhit na mukha ni Vice President Leni Robredo

- Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang larawan ng aktor malapit sa isang poster ni VP Leni

- Minsan na ring naipaliwanag ng kanyang ina na si Karla Estrada na nirerespeto ng bawat miyembro ng kanilang pamilya ang desisyon ng bawat isa kung sino ang susuportahan sa eleksyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakiisa ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Fairview, Quezon City ngayong Sabado, Abril 16.

Sa kanyang mga larawan, makikitang nakipinta si Daniel sa bahagi ng iginuguhit na mukha ni Vice President Leni Robredo na sinasabing sinusuportahan ng aktor.

Daniel Padilla, nakiisa sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Quezon City
Daniel Padilla, nakiisa sa 'Leni-Kiko' mural painting activity sa Quezon City (Photo from Jeennee D. Garcia.)
Source: Facebook

Kasama ang ilan pang mga volunteers, nabuo nila ang mural painting na sumisimbolo sa kandidatura ni VP Leni at ng ka-tandem nitong tatakbo naman sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.

Mapapansin ding naisama sa painting ang madamdaming kaganapan ng pagtaas ng kamay ni Senator Kiko ng mga magsasaka ng San Nicolas na dumalo sa campaign rally ng mga Kakampink sa Pampanga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilang larawan ni Daniel na kuha ni Jeennee D. Garcia at ibinahagi na rin ng Kapamilya Online World:

Si Daniel Padilla ay kilalang aktor sa Pilipinas na anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Kamakailan, mabilis na nag-viral sa social media ang post ng film director na si Mandy Reyes kung saan kasama niya si Daniel.

Ikinagulat ng marami ang larawan gayung nasa gitna ng dalawa ang flyer ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Mabilis itong gumawa ng ingay at nai-share ng libo-libong beses sa loob lang ng ilang oras gayung tila magkaiba ang pangulong susuportahan ni Daniel at ina nitong si Karla Estrada.

Matatandaang si Karla ay tumatakbo bilang kinatawan ng Tingog party list sa ilalim ng grupong UniTeam nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Bahagi rin si Karla ng Kapamilya show na "Magandang Buhay" na kinailangan niyang lisanin pansamantala dahil sa kampanya.

Sa ngayon, ang aktres at singer na si Regine Velesquez ang nakakasama nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa naturang programa.

Samantala, minsan na rin itong napag-usapan sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi kung saan nasabing posible pa namang magbalik si Karla sa 'Magandang Buhay' matapos ang eleksyon. Subalit malaki rin umano ang posibilidad na ang Asia's Songbird na ang manatili sa programa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel