Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral

Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral

- Agaw pansin ngayon sa social media ang post ng film director na si Mandy Reyes kung saan kasama niya si Daniel Padilla

- Kaya naman mabilis itong nakaagaw ng atensyon ng netizens ay dahil sa flyer ni VP Leni Robredo na nasa gitna ng dalawa

- Matatandaang ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay bahagi ng Tingog party list sa ilalim ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte

- Kamakailan ay napag-usapan din ang pagbabalik ni Karla sa dati niyang programa na 'Magandang Buhay' na sa ngayon ay si Regine Velasquez na ang kasama ng dalawa pang host nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng film director na si Mandy Reyes kung saan kasama niya ang aktor na si Daniel Padilla.

Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral
Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral (Photo: Mandy Reyes)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na labis umanong ikinagulat ng marami ang larawan gayung nasa gitna ng dalawa ang flyer ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

"Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster," ang caption ng direktor sa kanya mismong post.

Mabilis itong gumawa ng ingay at nai-share ng libo-libong beses sa loob lang ng ilang oras gayung tila magkaiba ang pangulong susuportahan ni Daniel at ina nitong si Karla Estrada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang si Karla ay tumatakbo bilang kinatawan ng Tingog party list sa ilalim ng grupong UniTeam nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Dahil dito, tila hindi makapaniwala ang ilan sa larawang naibahagi ng direktor.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Daniel Padilla ay kilalang aktor sa Pilipinas na anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Ang inang si Karla ay host ng Kapamilya show na "Magandang Buhay" na kinailangan niyang lisanin pansamantala dahil sa kampanya.

Read also

Tatlo sa pitong nagnakaw umano sa ina ni Nadia Montenegro, natukoy na ng pulisya

Sa ngayon, ang aktres at singer na si Regine Velesquez ang nakakasama nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa naturang programa.

Samantala, minsan na rin itong napag-usapan sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi kung saan nasabing posible pa namang magbalik si Karla sa 'Magandang Buhay' matapos ang eleksyon. Subalit malaki rin umano ang posibilidad na ang Asia's Songbird na ang manatili sa programa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel