Tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang internet connection, viral

Tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang internet connection, viral

- Naging usap-usapang ang tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang reklamo sa onternet connection

- Nabanggit pa niya roon na apat na buwan siyang nagbabayad subalit wala naman umano siyang internet

- Sinabing agad namang naapulahan ng internet provider niya ang nasabing problema

- Subalit mas marami umano ang naaliw dahil sa kakaibang naging komento ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral ang tweet ni Alex Gonzaga ukol umano sa kanyang reklamo sa PLDT na kanyang internet provider.

Tweet ni Alex Gonzaga ukol sa kanyang internet connection, viral
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na idinaan ni Alex sa socmed ang paglalabas ng saloobin tungkol sa kanyang internet connection na umano'y binabayaran niya sa loob ng apat na buwan subalit wala naman siya umanong koneksyon.

Nabanggit din niya ang mabilis na pagpaalala ng PLDT patungkol sa pagbabayad ng subsciption subalit hindi naman nalulubos ni Alex ang serbisyo nito.

Read also

Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"

Ang ikinagulat ng marami ay kung paano nagkomento ang ilang mga netizens sa tweet ng aktres na tila naiugnay na sa pulitika partikular na sa sinuportahan nila at ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa comment section, kapansin-pansin ang mga salitang 'unity', move on, at 'wag siraan.'

Dahil umano sa mga komentong ito, tila mas mabilis na napansin ng PLDT ang hinaing ng aktres kaya naman mabilis din daw itong naapulahan.

Samantala, naibahagi naman ng netizen na si Les Mendiola ang umano'y screenshot ng ilang mga komento ng netizens.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.6 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Valentine Rosales, binahagi ang mensahe ng kaibigang kanyang pinagtanggol

Suportado ni Alex ang naging desisyon ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pinili nang lisanin ang Pinoy Big Brother kung saan siya'y naging host sa loob ng 16 na taon.

Ang opisyal na pahayag niyang ito ay kanyang isinapubliko matapos ang kanyang pagganap bilang tagapagdaloy ng programa ng proclamation rally ng UniTeam.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nasabi ni Alex na 'strong person' ang kanyang ate Toni lalo na sa mga kinakaharap nitong pambabatikos ngayon.

Aniya, 'equipped' at tila handa na ang kanyang kapatid sa mga natatamong pamba-bash na kung siya umano ang malalagay sa sitwasyon ay maaring hindi niya kayanin.

Gayunpaman, sinabi niyang dedma na lamang din siya sa mga nababasang negatibong komento tungkol sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica