Alex Gonzaga, 'feeling singer' at 'feeling dancer' ayon sa mister na si Mikee Morada

Alex Gonzaga, 'feeling singer' at 'feeling dancer' ayon sa mister na si Mikee Morada

- Makulit na nagbigay ng isa-isang salita si Mikee Morada upang ilarawan ang misis na si Alex Gonzaga

- Sa 'Lunch Out Loud' kung saan host si Alex, naging panauhin online ang mister na si Mikee

- Kinailangan niyang ilarawan ang misis gamit ang isang salita sa iba't ibang aspeto na ginagampanan ni Alex

- Dahil sa mga sagot ni Mikee, nakantsawan tuloy si Alex ng kapwa host na si Bayani Agbayani

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Game na game si Mikee Morada na sinagot ang mga tanong ni Bayani Agbayani patungkol kay Alex Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na sa Lunch Out Loud, naimbitahan si Mikee upang magbigay ng mensahe kay Alex at sumagot ng ilang katangungan patungkol sa misis.

Alex Gonzaga, 'feeling singer' at 'feeling dancer' ayon sa mister na si Mikee Morada
Alex Gonzaga (Photo: Lunch Out Loud)
Source: Facebook

Ayon kay Bayani kailangang magbigay ng isang salita si Mikee na makapaglalarawan sa iba't ibang aspetong ginagampanan ni Alex bilang isang celebrity.

Read also

AJ Raval, pinusuan ang komento ng netizen na idiniin na si Kylie Padilla ang legal wife

Dalawang beses na naibigay ni Mikee ang salitang 'feeling' nang tanungin siya kung ano si Alex bilang isang singer at dancer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As a person, 'makulit' daw talaga ang kanyang misis. As a friend 'generous' naman daw talaga si Alex.

Nang maitanong naman si Alex bilang isang host at actress, iisa rin ang naisagot ni Mikee at ito ay ang salitang 'magaling.'

Narito ang kabuuan ng mga makukulit na kasagutan ni Mikee para sa kanyang misis mula sa video ng Lunch Out Loud:

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Suportado ni Alex ang naging desisyon ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pinili nang lisanin ang Pinoy Big Brother kung saan siya'y naging host sa loob ng 16 na taon.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

Ang opisyal na pahayag niyang ito ay kanyang isinapubliko matapos ang kanyang pagganap bilang tagapagdaloy ng programa ng proclamation rally ng UniTeam.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nasabi ni Alex na 'strong person' ang kanyang ate Toni lalo na sa mga kinakaharap nitong pambabatikos ngayon.

Aniya, 'equipped' at tila handa na ang kanyang kapatid sa mga natatamong pamba-bash na kung siya umano ang malalagay sa sitwasyon ay maaring hindi niya kayanin.

Gayunpaman, sinabi niyang dedma na lamang din siya sa mga nababasang negatibong komento tungkol sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel