Alex Gonzaga, dedma na lang sa nababasang negative comments: "Kaya!"

Alex Gonzaga, dedma na lang sa nababasang negative comments: "Kaya!"

- Tila hindi na raw tinatamaan ng negatibong mga komento ni Alex Gonzaga

- Nang tanungin siya ni Karen Davila ukol dito, kinakaya naman niya at minsa'y natatawa na lamang umano siya

- Ibinahagi rin niya na maging ang kanyang kapatid na si Toni na mas nababatikos umano ngayon ay tila handa sa mga nangyayari dahil matapang daw talaga ito

- Sinabi na Alex na kung sa kanya nangyari ang kinakaharap ng kapatid, maaring hindi niya kayanin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dedma na raw si Alex Gonzaga sa mga negatibong komento na kanyang natatanggap at nababasa sa social media.

Alex Gonzaga, dedma na lang sa mga negative comments: "Kaya!"
Alex Gonzaga, dedma na lang sa mga negative comments: "Kaya!"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong ni Karen Davila sa kanya lalo na at nababatikos umano ang kanilang pamilya lalo na ang kanyang ate na si Toni Gonzaga kaugnay sa pulitika.

Read also

Alex Gonzaga sa umano'y mga pamba-bash sa kapatid na si Toni; "Matapang talaga ate ko"

"Kaya," ang sagot ni Alex kay Karen kung kinakaya ba nito ang mga negatibong komento.

"Hindi na siya... hindi na talaga siya nagma-matter. Minsan parang, uy ito trying to hurt me... Pero wala, matatawa ka e," paliwanag pa ni Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, tila nasanay na umano sila sa kanilang Daddy Bonoy na masakit umanong magsalita. Ito rin daw ang naging kasanayan na ng kanyang ate na ngayong matapang na kinakaharap ang mga bashers niya na kung kay Alex daw nangyari ito, maaring hindi niya kayanin.

"I know she's a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord dun nang hindi siya ready. So my sister was bashed. Even before bata palang siya she was bullied nung pre-school pa lang siya. So I think during that time, she was so equipped and she was so ready for that. And I don't think that the Lord would give that to me because I think my sister is more stronger, more independent"

Read also

Donekla in Tandem, sa 3 linggong walang upload sa YT channel; "Maghiwalay na muna talaga"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Suportado ni Alex ang naging desisyon ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pinili nang lisanin ang Pinoy Big Brother kung saan siya'y naging host sa loob ng 16 na taon.

Ang opisyal na pahayag niyang ito ay kanyang isinapubliko matapos ang kanyang pagganap bilang tagapagdaloy ng programa ng proclamation rally ng UniTeam.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel